Confessions: Bakit kung sino pa masama ugali, sya pa ang ‘pinagpapala’?

Hello po sa lahat..

Ako rin po may confession, pero sa LGU naman ito nangyari and you can ask may officemates regarding this pero palihim kasi sobrang takot kami sa tao nato.

[Sa LGU namin], may isang staff na second to the highest position sa agriculture [department] and very down to earth na halos halikan na paa mo PAG KAHARAP KA, pero once na nakatalikod ka ikaw ang bida.

Lalake [ang taong ito] pero marites siya.

First thing first. As usual late pumasok pero sa isang buwan twice lang siya nalilate, kasi dalawang beses lang sya pumasok sa isang buwan the rest working days kasi DAPAT nagfifield kami since agriculture sector kami.

Nagbabarangay barangay kami BUT itong taong to hindi yun ang ginagawa kundi nagaayos ng napakalawak na farm niya (halos lahat ng barangay ng munisipyo meron siyang farm) at farm ni Mayor syempre.

Pagdating sa DTR No late, No Absent kaya lahat kami napapasana all na lang.

Since we use logbook dahil may pandemic, dapat may vacant space siya sa logbook or else (alam mo na, may backer).

Alam naman ng pinakahighest position kaya lang kasi pag kakausapin sya di sya magpapakita tapos anong petsa na and andami niyang rason pati farmers witness niya na ginawa daw niya work niya pero the truth is yung farmers nagconfess na sinangayunan nila yung taong yun kasi mawawalan sila ng kabuhayan dahil tao sya [ni Mayor] at yung pamilya nila umaasa dun 🥲😭 plus yung krudo ng truck at gasoline na ginagamit niya from LGU kesyu para daw sa agriculture yun kaya wag sayangin.

Secondly, [walang galang sa] tao, kung umasta kala mo boss kasi pinagmumura niya kaming mga staff niya sa harap ng farmers and fisherfolks kapag di namin naentertain agad (well, tao niya kasi yun dapat priority kahit madaming nauna sa pila for insurance and registrations sa crops and bangka 🥲 )

Ngayon, dumating yung highlights sa buhay ng tao na ito.

Hindi ko alam baka mas pinagpapala ata ang masasamang ugali at magaling magmanipula ng tao 🥲.

Nagretire yung highest position ng agriculture department tapos walang nag-apply dun dahil nga sa banta at ugali niya kaya in the end siya nakakuha ng position kahit isa sa requirements ay masteral graduate [na wala sa kanya]. Bakit kaya? (as usual nabanggit ko na sa itaas)

Wala ng gustong magrenew dahil siya na ang boss pero dahil sa hirap ng buhay wala sila magawa kundi magtiis pero ako nagresign talaga ako.

Dahil siya na ang boss akala namin magiging okay na kasi pag boss makikita ng lahat yung mga illegal na ginagawa niya pero worst pa ang nangyari dahil paelection 😭.

BAWAL ANG PAHINGA, ang pahinga ay 12:15-12:45 lang at walang merienda merienda. (sana all hardworking ang staff)

Pinagdadamo yung may edad na J.O. sa initan (sabi niya kasi wag maarte sa agriculture kaya todo bilad talaga). The worst scenario is, si nanay pinagmumura niya dahil 12:50 di pa nagdadamo sa nursery. Bandang 2pm that day naatake yung nanay na yun ng mild stroke.

Ang pinakamasamang nangyari ay na hospital ang matanda at na-absent sya dahil wala nga daw sa office.

Sabi ni nanay “sorry lang sana sapat na, malaman ko lang na kahit ganun siya concern siya sa mga tao niya”. 🥲😭

Walang makagalaw sa kanya sa munisipyo na yun dahil kung may professional sa atin sa kanya sa kasinungalingan, pagmamanipula ng tao at pakitang tao.

Isang taon akong dasal ng dasal na sana magbago na siya pero di tumatalab 🥲.

Kahit mayor namin tinotolerate siya (di din sya makadesisyon agad). Sana may mataas pa sa mayor namin na magasikaso ng ganito 🥲.

Reactions and Comments

Comments Box SVG iconsUsed for the like, share, comment, and reaction icons
error: Content is protected !!
0
Would love your thoughts, please comment.x
()
x