#LateNightConfessions · 1 May 2020

Late Night Confessions | The Real Reason Why Good Employees Leave Even If They Love Their Job

IT’S TRUE. MOST EMPLOYEES LEAVE NOT BECAUSE THE WORK IS HARD BUT BECAUSE THE BOSS IS HARSH TO THEM

Almost 5 yrs ako naging JO sa isang NGA.

Naassigned ako sa isa sa mga importanteng trabaho sa isang ahensya. Pero palagi ko nalang naririnig sa mga kasamahan ko sa trabaho na wala daw learnings sa mga ginagawa ko at sobrang dali daw ng ginagawa ko. Worst is, sa sariling teammates ko pa naririnig iyon. Pero noong mga panahon na yon, hindi ako nagpatinag sa mga sinasabi nila sa akin dahil naging mas importante sa akin na gusto ko yung ginagawa ko at nag-eenjoy ako.

Pero dumating ang araw na nagdesisyon ako na magresign at iwanan ang trabaho ko hindi dahil sa mga naririnig kong hindi maganda tungkol sa trabaho at ginagawa ko, kundi dahil sa boss ko na halos araw araw na lang nagagalit sa akin sa hindi ko malaman na dahilan. Hanggang sa umabot sa punto na nababalitaan ko nalang sa taga-ibang kalapit division na gusto nya na pala ako tanggalin.

Sa totoo lang, umalis ako ng may sama ng loob kasi halos binaba ko na pride ko magawa ko lang ang mga utos ng nakakataas sa akin hindi lang sa gawaing trabaho ngunit kahit sa personal na pangangailangan nila ng hindi ako nagrereklamo. Nagpatalo ako sa puntong iyon kaya tuluyan akong nagdesisyon na mag-resign.

Pagkatapos ng ilang buwan, may isang Government Agency na tumawag sa akin for employment exam and interview. Sa awa ng Diyos, na-hired ako. Pareho lang din ng trabaho ko sa inalisan kong kompanya pero hindi tulad ng mababang pagtingin na mayroon ang mga dati kong katrabaho at amo. Fortunately, I got paid higher salary than my previous job. In fact, times two ang sweldo na mayroon ako ngayon compared sa dati kong trabaho. Parehas lang rin naman ng job description.

Ngayon, sinusubukan po ako tawagan ng previous employer ko kasi kailangan ata nila ng staff sa trabahong naiwan ko almost a year ago na. They were about to offer a permanent position pero hindi ko na po tinanggap. Hindi naman sa pagmamalaki pero, mas nakamtan ko ang saya not only because of the higher salary that was offered but I felt now working in an environment consistently showing care and importance to an employee like me.

Same job description, but blessed with a different set of workforce showing me better work ethics.

error: Content is protected !!