#LateNightConfessions · 28 Apr 2020

Late Night Confessions | The Sad Story of Being a Job Order for 10 Years

NAGRETIRE NA’T LAHAT ANG BOSS KO, PERO JOB ORDER WORKER PA RIN AKO

I am working as a Research Assistant II sa isang Government Institution. 10 years na po ako nagwowork as JO.

Dahil nasa isang project ako, malaki ang sweldo. Year 2017, nagkaroon po ng 17 plantilla items sa aming opisina gawa ng maganda ang accomplishment namin.

Isa po ako sa napangalanan na mabigyan ng item, pero sa kasawiang palad po, ako ay hindi eligible para makuha ang item at nung na open po ang item para applyan, kakaexam ko lang po sa CSC at wala pang result by that time.

Wala pong nag-apply sa unang posting ng item at dahil di ako eligible hindi ko pwede aplayan.

Pangalawang posting po, may nag-apply po, at dahil wala pang result ang exam ko sa CSC hindi ko po na-applayan. Sabi nila nasa end-user kung tatanggpin ang nag-apply. Sa kasawiang palad po, natanggap ang nag-apply sa item na ibinigay sa akin.

After a year, nabalitaan po namin na kaibigang matalik ng boss ko ang father-in-law ng nakakuha ng item ko. Nasaktan po ako at nagsabi na magreresign pero hindi po ako pinayagan.

Ako po ay 10 years ng nagsilbi sa kanya. Pero hanggang ngayon po ay JO pa din ako at nakapag retire na po ang boss ko na wala po naging plano sa akin.

Reactions | Comments

Comments Box SVG iconsUsed for the like, share, comment, and reaction icons
error: Content is protected !!