Ano ba trabaho ng Auditor? Ilang beses ba dapat sya mag-audit?

Forum Government Auditing

Question

Sender Hi good afternoon , ask ko lang po if ano po ba ang trabaho ng isang Auditor?

Kasalukuyan po kase akong auditor sa aming asosasyon at nais ko lang sana malaman kung ano ba yung mga karapatan kong gawin.

Madalas kase kami magtalo ng Treasurer about sa posisyon ko kase palagay ko nadidiktahan ako kung ano yung dapat kung gawin, ang ikinagagalit niya kase is yung weekly ako nag-aaudit e katwiran ko po kase is araw araw may pumapasok kase sa kanyang pera, ang gusto niya every month ako mag audit.

You May Like to Read

[Ano ang Ginagawa o Trabaho ng Isang Auditor, Layunin at Responsibilidad sa Pagsusuri o Audit]

Join the Forum

[custom-facebook-feed type=status featuredpost=1148645448612090_1411179789025320 carousel=false]

What do you think?

Are you an auditor? Share your thoughts on this question in our Facebook Page.

6 thoughts on “Ano ba trabaho ng Auditor? Ilang beses ba dapat sya mag-audit?

    1. Hi, Lovely.

      Malawak ang trabaho ng isang auditor. Depende sa kanyang “scope of audit” na naka saad sa kanyang audit plan. Ang audit scope ay maaring nakatuon sa compliance audit, financial audit, operations audit, management audit at iba pa. Depende din ito sa uri ng auditor. Sa gobyerno, ang Commission on Audit ang may pangunahing sangay ng gobyerno na nagsasagawa ng audit sa mga opisina sa gobyerno. Kabilang sa kanilang scope of audit ay financial audit, compliance audit, performance audit at iba pa. Ang pag sosolve ng ibat ibang issues and concerns sa audit ay isa lamang sa napakaraming ginagawa ng isang auditor.

  1. Ang trabaho ng isang State Auditor ay depende sa level ng kanyang position. Katulad ng karamihan sa mga organisasyon, ang trabaho ng isang auditor ay depende sa posisyon na kanyang hinahawakan.

  2. Ang karapatan mo bilang Auditor ay nakalagay sa job description mo. Dito nakasulat ang pwede mo gawin at kung hanggang saan ang pwede mo i-audit. Usually nakalagay din ito sa Audit Plan.

    As to timing ng pag-audit, dapat hindi ito nakakasagabal sa normal operating hours ng Agency. While it is true na pwede kang magsurprise audit, dapat gawin din ito sa tamang paraan.

    Kaya siguro kayo nagtatalo ng Treasurer sapagkat maaaring hindi kayo nagkakasundo sa tamang oras ng pagsasagawa ng audit. Maaaring nakakasagabal ito sa inyo inyong trabaho. Pagusapan ninyo ito kung kailan ninyo pwedeng gawin at pagusapan din ninyo kung ano ang scope ng i-au-audit. Para din makapaghanda ang bawat panig.

    Iwasan din ang mag-power trip. Hindi ibig sabihin na Auditor ka eh pwede mo na gawin lahat ng gusto mong gawin.

Leave a Comment