Marami nang government employees ang nakagamit Wellness Leave, pero may mga empleyado na hindi alam ang tamang proseso para ito ma-approve nang walang aberya. Kung isa ka sa kanila at gusto mong gamitin ang benefit na ito under CSC MC No. 01, s. 2026, ito ang dapat mong malaman ayun sa Civil Service Commission (CSC).
Ano ba talaga ang Wellness Leave?
Ito ay bagong leave benefit na ibinigay ng Civil Service Commission para sa lahat ng government officials and employees — permanent, temporary, substitute, coterminous, fixed-term, contractual, o casual — sa NGAs, LGUs, GOCCs with original charters, at SUCs.
Layunin nito na bigyan ang government employees ng oras para alagaan ang kanilang mental health, physical wellness, o kung gusto nila ng general break sa trabaho.
Mahalagang malaman: hiwalay ito sa Vacation Leave (VL) at Sick Leave (SL). Hindi ito ibabawas sa existing leave credits ng government employee.
Ilang araw ba ng Wellness Leave ang puwedeng i-avail?
Pinapayagan ang hanggang limang (5) araw na wellness leave kada taon, subject sa discretion ng ahensya. Puwede itong kunin ng:
- Tuluy-tuloy, hanggang tatlong (3) araw sa isang availment, o
- Hiwa-hiwalay sa magkaibang petsa, depende sa kailangan ng empleyado.
Ito ang tamang proseso ng pag-file
1. Mag-coordinate muna sa immediate supervisor.
Kailangan ng recommendation ng supervisor bago ito dumaan sa head of office para sa approval. Ganito rin ang ginagawang proseso sa paggamit ng VL o SL.
2. I-file ito gamit ang parehong proseso ng ibang leave types.
Walang bagong form na kailangan, bagkus gamitin ang prescribed form (CSC Form 6 — Application for Leave) at sundin lang ang existing leave filing procedure ng iyong ahensya.
3. Tandaan ang five-day advance filing rule. Dapat isumite ang Application for Leave at least limang (5) araw bago ang petsa ng pag-avail. Kung emergency case, puwede itong i-file kaagad-agad pagbalik mo sa trabaho.
4. Hintayin ang approval ng head of office.
Ang final approval ay nasa kamay ng head of office, batay sa recommendation ng supervisor ng empleyadong concerned.
Kailangan Bang Ilagay ang Dahilan ng pag-file ng Wellness Leave?
Hindi mo kailangang ilagay ang detalye ng dahilan ng pag-file ng wellness leave kung ang dahilan nito ay tungkol sa mental health.
Isa sa magandang parte ng policy na ito: kung mental health ang dahilan ng empleyado, hindi sya required na mag-disclose ng specific details. Protektado ito ng Data Privacy Act of 2012, kaya safe space ang Wellness Leave para sa mga empleyadong nangangailangan ng pahinga without judgment.
Ngunit kung other than mental health ang dahilan, nararapat lang na ipaalam sa inyong supervisor at head of agency ang dahilan ng pag-file ng wellness leave bilang pagrespeto sa kanilang awtoridad.
Mga dapat tandaan bago mag-apply
- Non-cumulative — ang wellness leave credits ay hindi naiipon kung hindi nagamit. Hindi ito kagaya ng vacation at sick leave credits na naiipon (cumulative) kada taon kung hindi nagamit.
- Non-commutable — ang wellness leave ay hindi puwedeng i-convert to cash. Hindi rin ito katulad ng earned vacation at sick leave credits na pwedeng i-monetize at maipon para maging Terminal Leave Benefit upon separation from service.
- Forfeited kung hindi nagamit within the calendar year — ang wellness leave ay pwedeng ma-forfeit kung hindi ito gagamitin kaya gamitin mo ito bago matapos ang taon.
Ang Wellness Leave Policy ay nagsimulang ipatupad noong January 1, 2026 sa ilalim ng CSC Resolution No. 2501292. Kung government employee ka, ito ang panahon para alagaan ang sarili mo — at ngayon, may legal na basehan na ito para gawin mo nang walang guilt.
Para mas detalyadong discussion tungkol sa wellness leave, basahin ang mga sumusunod na CSC Guidelines:
- CSC Memorandum Circular No. 1, s. 2026 — Wellness Leave Policy
- CSC Resolution No. 2501292 — Wellness Leave Policy
Don’t Miss
…
…

