“Pwede ba akong bumale, Mam/Sir?”
Isa sa mga tanong na madalas itanong ng ilang mga kawani ng gobyerno lalo na kapag malapit na ang isang malaking gastos — tuition, ospital, o emergency —ay ito:
“Pwede ba akong mag-advance ng sahod?”
Ito ang direktang sagot: Hindi.
Bakit Hindi Pwede ang Salary Advance sa Gobyerno?
Ang bumale o mag-bale ay ang pagkuha ng salary advance o paunang bayad mula sa iyong darating na sweldo. Ito ay karaniwang ginagamit para sa mga gastusin bago pa dumating ang araw ng sweldo (petsa de peligro).
Ang salary advance — o ang pagtanggap ng sahod bago pa man ito earned — ay ipinagbabawal sa ilalim ng batas para sa mga government employees.
—
—
Ang mga patakaran ng Commission on Audit (COA) ay malinaw na nagtatakda na ang mga government funds ay maaari lamang ilabas bilang kabayaran sa actual services rendered.
Ibig sabihin, hindi ka maaaring bayaran ng gobyerno para sa trabahong hindi mo pa nagagawa.
Kung may government official o opisina na nagbibigay ng salary advance, ito ay itinuturing na irregular expenditure at maaaring maging subject ng COA disallowance — na siyang responsibilidad ng approving official.
Ano ang Alternatibo?
Dahil hindi allowed ang salary advance, may mga ibang legal na paraan para matugunan ang agarang pangangailangan ng mga government employees. Ang mga suggestions sa ibaba ay ilan lamang sa mga alternatibo na pwedeng gamitin ng mga empleyado sa oras ng pangangailangan pinansyal:
—
—
GSIS Emergency Loan
Para sa mga miyembro na naapektuhan ng kalamidad o may agarang pangangailangan.
GSIS Multi-Purpose Loan
Mabilis na maaaring i-process online at maaaring maging available ang pera sa loob ng ilang araw.
Pag-IBIG Multi-Purpose Loan
Maaaring ma-release ang loan proceeds sa loob ng 2–5 banking days matapos ang approval — isa sa pinakamabilis na opisyal na loan option.
Salary Loan mula sa Bangko
Ang ilang bangko na may accreditation sa iyong agency ay nag-aalok ng salary loans na direktang dinededuct sa payroll.
Ang mga loan programs ng GSIS at Pag-IBIG ay nilikha para sa tugunan ang agarang pinansyal na pangangailangan — para hindi kailanganin ng government employees na humingi ng advance na hindi naman allowed ng batas.
—
—
Kung kailangan mo ng pera agad, ang pinaka-legal at pinaka-mabilis na solusyon ay ang Pag-IBIG MPL o GSIS Emergency Loan — depende sa urgency at sa kung magkano ang kailangan.
Para sa mas detalyadong gabay sa GSIS at Pag-IBIG loans, bisitahin ang opisina ng GSIS at Pag-IBIG o di kaya ay i-download ang kani-kanilang mobile app para sa karagdagang detalye — Virtual Pagibig at GSIS Touch.
Question
Kung meron kayong katanungan, magiwan lamang ng komento sa ibaba at susubukan namin itong sagutin sa pinakamabilis na panahon.



