Isang araw matapos ang SONA ni Pangulong Marcos Jr., agad kumilos ang Kamara. Inihain nina House Speaker Bojie Dy at Majority Leader Sandro Marcos ang House Bill No. 10345 noong July 28, 2026 — isang panukalang batas na magtataas ng tax-exemption threshold para sa mga manggagawa mula ₱250,000 patungo sa ₱350,000 kada taon.
Kung maipapasa ito, ito raw ang magiging bagong income tax table simula January 1, 2027:
- Hanggang ₱350,000 — 0% tax, walang babayarang buwis
- ₱350,000–₱400,000 — 15% ng excess
- Mula ₱400,000 pataas — pareho pa rin ang current rates at computation (20%, 25%, 30%, 35%)
Pero tandaan: bill pa lang ito, hindi pa batas. Kailangan pa itong maaprubahan ng House at Senate, at pirmahan ng Pangulo, bago ito magkabisa — posibleng magbago pa ang mga probisyon sa proseso ng deliberasyon.
Ngunit para magkaroon tayo ng ideya kung magkano ang dagdag na take-home pay ng mga empleyado kapag naipasa ito, gumawa kami ng House Bill No. 10345 Tax Reform Impact Calculator.
I-input mo lang ang sahod, bonuses, at benefits mo, at makikita mo agad ang current tax due mo ngayon kumpara sa proposed tax due sa ilalim ng HB 10345 — kasama ang eksaktong halaga ng dagdag na sahod mo kada taon at kada buwan.
House Bill No. 10345: Tax Reform Impact Calculator
Hindi mo alam magkaano sahod mo? Alamin dito — NGAs | LGUs
SONA 2026 Tax Reform Impact Calculator
See how much more take-home pay you’d get under House Bill 10345’s proposed ₱350,000 tax-exempt threshold, compared to the current ₱250,000 exemption.
Taxable Salary & Other Taxable Benefits
Taxable Other Benefits
Non-Taxable Benefits
Current Law vs. Proposed Reform
Masaya ka ba sa resulta? Meron bang naidagdag na benepisyo sa kasalukuyan mong sahod? Mag-iwan ng komento sa ibaba.

