CSC: Ito ang Pera na Nawawala Sayo sa Bawat Minutong Late Ka sa Trabaho

Magkano ba talaga ang nawawala sa’yo kapag late ka sa trabaho? Alamin ang opisyal na CSC at DBM formula sa pag-compute ng halaga ng nawawalang leave credits sa tuwing late o nagundertime ka sa trabaho.

“Mam, okay lang naman siguro ma-late ng 5 minutes, di ba?”

Normal ang ma-late at ito ang common na tanong sa HR o Accountant. At every time, ito rin ang sagot nila: technically, may bayad ‘yan — kaso hindi mo lang nakikita agad.

Sa post na ito, iwo-walk through namin kayo sa kung paano kino-compute ang perang nawawala sa bawat minuto na nalelate kayo sa trabaho.

Una sa lahat, ang late at undertime ay hindi ibinabawas ng diretso sa sahod ninyo. Kaya naman hindi ninyo ito nararamdam, at least for now.

Ang nangyayari, kapag late ka, ibinabawas ito sa Vacation Leave (VL) credits mo — leave credits na pwede mong i-monetize balang araw, gamitin sa bakasyon, o i-claim bilang Terminal Leave Benefit pag mag-retire ka na.

Ayun sa Section 34 ng Omnibus Rules on Leave (CSC MC No. 41, s. 1998), as amended, ang tardiness (late) at undertime ay ibinabawas sa vacation leave credits mo instead sa sahod mo.

Ngayon, paano mo malalaman ang halaga ng pera na nawawala sayo sa bawat minutong nahuhuli ka sa trabaho?

Halimbawa, isa kang empleyado na sumasahod ng ₱31,705 kada buwan — tipikal na Salary Grade ng karamihan sa rank-and-file natin.

Una, i-compute muna natin ang daily rate mo. I-multiply lang natin ang sweldo mo sa constant factor na ginagamit ng Civil Service Commission (CSC) at Department of Budget and Management (DBM) na 0.0481927. Ang constant factor na ito ay based sa DBM Budget Circular No. 2016-2.

Ngayon i-compute na natin:

₱31,705 x 0.0481927 = ₱1,527.95 — ito ang halaga ng isang araw mong leave credit.

Ngayon, i-convert naman natin sa per-minute. Ang isang buong araw ng trabaho mo ay katumbas ng 480 minuto (8 oras x 60 minutes/hour).

Kaya hahatiin lang natin: ₱1,527.95 ÷ 480 = ₱3.18

So heto na — ₱3.18 ang nawawala sa’yo kada minutong late ka o undertime ka sa trabaho. Tila konti, pero alam mo, ito ang sinasabi ng HR at Accountant sa mga empleyado: tingnan mo kung gaano ito kalaki pag pinagsama-sama mo.

1 minute — ₱3.18

1 hour — ₱3.18 x 60 mins. = ₱190.80

1 week, say 4 hours late = ₱190.80 x 4 hours = ₱763.20

1 month, say 8 hours = ₱1,526.40

1 year, say 56 hours = ₱190.80 x 56 hours = ₱10,684.80

For your whole government service, say 20 years = ₱10,684.80 x 20 yrs. = ₱213,696.00

Ngayon, paano kung mas malaki ang sahod mo, mas malaki pa ang mawawala sayo sa bawat late or undertime mo sa trabaho.

Ang Bottom Line: tingnan mo ang leave credits mo na parang savings account. Maliit lang ’yung withdrawal kada minuto, pero pag araw-araw mong ginagawa, kapansin-pansin na ’yung kulang pag tiningnan mo na ang buong balance.

Hindi namin ito sinasabi para takutin kayo — kundi, para maintindihan ninyo na may halaga ang oras ninyo sa government service, kahit hindi ninyo ito agad nakikita payslip ninyo.

Ngayon, subukan mong i-compute gamit ang bawat halaga ng minuto mo gamit ang salary grade mo. We bet, magiiba na ang pagtingin mo sa bawat minuto ng trabaho mo simula ngayon.

Magiwan kayo ng komento sa ibaba kung tama ang aming hinala.

Leave a Comment

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

error: Content is protected !!
Scroll to Top