Hilarious Confessions — Real Accountants Share What They Did Immediately After Taking the CPA Board Exam

Hilarious Confessions — Real Accountants Share What They Did Immediately After Taking the CPA Board Exam

We asked real accountants (both working in the government and not) on what they did immediately after taking the CPA Board Exam.

Kasi naman di ba ang stressful ng pinagdaanan nila exam? So we’re interested anong ginawa nila immediately after.

Here we share to you some really real confessions from real accountants.

1. Kumain

“Kumain ng Litson na lasang sabon.” – Denver Bungay, CPA

Kumain. Nagpakabusog. Yong thinking na ,”kahit hindi pumasa basta busog”. Pero syempre sa awa ng Diyos, pumasa naman haha. – Aiko Abasolo, CPA

Nglibot sa session road, bumili ng pgkarami raming chocolates 🙂 – Eiram Gram, CPA

Nag eat all you can with Norhan Jalaidi.😂 – Lloyd Carillo, CPA

2. Nagsimba

“Nagpunta ng simbahan with Annabel Q Bihag and others hehe. – Jean Iryl Terado, CPA

Dumaan sa St.Jude, nag pray at binali ang used pencil sa exam into half 😅 (kasabihan, para walang take2) and then….kumain ng pansit at lechon sa CPAR 🤣 #WhenhungerStrikes – Carra Real Antonio, CPA

After the last subject. Nag punta ng kapilya at Nagpanata. 😇😇 – Mary Joy Ventura, CPA

Pumunta sa simbahan at bumongga ng iyak habang nagdadasal. Hahaha! 😂🤣 – Riza Ochoa, CPA

Nagattend ng mass mismo after the exam then pumunta sa review center kasi may kainan. Hehe. Then nagsine na at malling maghapon. Kinalimutan na muna ang exam. 😂 – Kar La, CPA

Naglibot ng mga Simbahan sa Metro Manila.. from Antipolo to Baclaran.. and it is all worth it.. hehehe – Niño Gines, CPA

3. Natulog

Natulog. Grabe sobrang relieved. Hahahahaha – Maria Lourence Lim, CPA

Longest sleep after 6 months indeed. Hahahaa – Mark Badua, CPA

Natulog maghapon. Ayaw na ayaw ko na magbasa ng libro, nasusuka na ako. Mga buwan bago ako nagbuklat ng libro. – Versale Oliverio, CPA

4. Nagcompute ulit, baka sakaling pumasok sa Top 20

Saturday at Sunday evenings after the exams, Nag recall ng questions and answers at nag compute kung pasok sa top 20. 😂🤣😂🤣 – Jb Bltrn, CPA

5. Naglakwatsa

From province kami, so after board, namasyal sa mall, kumain ng madami, nag Luneta park. Nag enjoy 😍 – Arlea Asenci, CPA

Nagkita kmi ng barkada ko after exam sa Emilio Aguinaldo College tapos sumakay kmi ng jip at hindi nmin alam napadpad kmi sa libingan ng mga bayani. npunta kmi sa puntod ni pres manuel roxas dun kmi ngrelax, nhiga, at ngkwentuhan. – Genalin Santos, CPA

Nakipagdate sa jowa. – Merlyn Mercado, CPA

6. Nag-alsabalutan

Alsa balutan ng gamit sa boarding house tas umuwi ng probinsya after the last subject ng board exam😀😀😀 – Roger Villar, CPA

7. Nag-Dota

Honestly before exam Dota muna kami nung gabi hangang 11pm. Then gabi din after exam dota ulet…. Sa awa ng dyos nakatulong sya para hindi ako kabahan s exam at hindi ako makinig s mga naguusap about sa mga sagot nila after ng exam hahaha. – Galeos Galano, CPA

Naglaro ng Dota. – Jane Frances, CPA

8. Nag-jamming

Nagpakabusy sa mga gigs. Tumugtog habang naghihintay ng ilang araw para sa result. 😂 – Marvin Barrameda, CPA

9. Uminom ng Alak

Nagshat with friends, sobra six months din kasi nagtiis eh hahahaha. – Basher Faisal, CPA

10. Umuwi/bumalik sa probinsya/opisina

Umuwi agad ng probinsya. May work kinabukasan ehhh.Cedyrick Agustin, CPA

Nagwork na agad kinabukasan. 😂 – Ma. Bernadette Flores, CPA

11. Nagkawanggawa

1. Dinonate sa charity box dun sa venue ng exam lahat ng supplies and reserves na ginamit ko sa exam like pencils, eraser, sharpener, etc. In my mind, that was my first and my last time to take the exam so I will not be needing it anymore (super faith lang)

2. Iplinedge yung lahat ng reviewers and books ko sa mga kakilala for the same reason.

3. Dumaan sa church sa UST para magthank dahil natapos na sa wakas at mukhang may naisagot naman.

4. Nag-unli text promo para sagutin yung mga nangangamusta/nakiki-usyoso about sa exam😅.

5. Natulog ng todo – the ultimate reward after months of puyatan. – Jayson Medrano, CPA

How about you? Did you do the same when you took the CPA Board Exam?

Share your experiences to us through the comments section below or visit our Facebook post on this topic to read more of the experiences of our fellow CPAs.

[YOU MAY ALSO LIKE: 50+ Best Ever Accountant Jokes]

About

Government Accountants, Budget Officers, Treasurers and Auditors’ Forum