Unahin natin ang JO/COS Workers sa pag-fillup ng Vacant Positions — DBM
Nanawagan ang Department of Budget and Management (DBM) sa mga heads of agencies na i-prioritize ang mga job order at contract of service (JO/COS) workers sa pag-fillup ng kani kanilang vacant positions.
Sa isang pahayag, sinabi ng DBM na nasa mahigit 168,000 ang kasalukuyang vacant positions sa lahat ng ahensya ng gobyerno sa national government.
Matatandaan na naglabas muli ang DBM at Commission on Audit (COA) ng bagong Joint Circular na nag-e-extend sa palugit para sa mga ahensya na mag-engage ng services ng JO/COS workers hanggang December 31, 2025.
Ayun sa Kalihim, layunin ng nasabing Joint Circular na manatili sa gobyerno ang mga JO/COS workers upang hindi sila mawalan ng trabaho at mapalawig pa ang kanilang experience.
Ayun pa sa nasabing pahayag ng DBM, direktiba ng Pangulong Marcos Jr. sa lahat ng ahensya ng gobyerno na tulungang maging qualified ang mga JO/COS workers sa mga permanent positions sa gobyerno. Isa sa mga iminungkahing stratehiya ng Pangulo ay ang review sessions upang makapasa sa civil services examinations ang mga JO/COS workers na wala pang civil service eligibility.
Source: Department of Budget and Management