Tips for Students/Young CPAs: How to land a job after passing the CPA Board Exam?

Getting your CPA license after the board exam is just the beginning. The competition for a CPA job is very tight. Whether sa academe, private sector, government, lalo na sa public practice, mahirap makakuha ng trabaho.

Hindi passes ang lisensya. Plus points mo yun, pero hindi guarantee na makakakuha ka ng work. Remember, ang mga kalaban mo ay maaaring may lisensya din. So kung tutuusin walang masyado bearing ang lisensya.

Ang may bearing, o ang may advantage, ay yung may work experience. Pero paano ka magkakaroon ng experience kung fresh graduate ka?

Tip: Daanin mo sa ibang bagay.

Una, aim to have an impressive Transcript of Records (TOR). Students with high grades tend to get ahead of the competition. Syempre naman, sa kultura natin, mas kinabibiliban ang mga mataas ang grado. Pero wag kang magkakamali na ito lang ang sikreto para makakuha ng trabaho. Ang totoo, merong mga average students na sakto lang ang grado pero mas maganda ang trabaho ngayon kesa sa mga matataas ang grado.

Pangalawa, e paano nga kung you’re just an ordinary guy? Yung sakto lang ang grado? Paano ka makakakuha ng trabaho? Daanin mo sa abilidad.

Habang nasa unibersidad ka pa, sumali ka sa mga Student Clubs/Organizations. Sali ka sa JPIA (Junior Philippine Institute of Accountants] or mga katulad nito. Sikat ang JPIA sa mga companies. Dahil alam nila dito nagsasanay ang mga estudyante mag-implement ng projects. Wag ka lang mag-member. Aim to get a position. Maging officer ka sa org. Hone your leadership skills. Aim to become an officer para masanay ka sa leadership roles. Tip: most companies tend to hire applicants with leadership skills.

Pangatlo, hone your communication skills. Mapa-written or oral communication skills. Parehas importante ito. Guys, seryosohin nyo ang English subjects nyo. Wag kang papayag na ga-graduate ka ng college na wrong grammar ka pa pag nagsulat. Wag lang maging magaling sa numbers. Dapat magaling ka din sa words. Dapat magaling ka sa english-an. Mahahalata ito during your interview and exam. Mahahalata ng employer kung marunong kang magconvey ng iyong thoughts and ideas. And, madali mahalata ang wrong grammar. Kaya guys, please, don’t take your english subjects for granted.

Panghuli, attitude and personality matter. Walang silbi ang lahat ng naunang mga tips kung may problem ka paguugali. Wag kang mayabang (with your CPA license). Hindi porke may “CPA” na sa dulo ng name sa resume mo eh may karapatan ka na magmayabang. Mahahalata ito ng employer. Be humble. Be respectful. Be indispensable.

In summary, be good in school while you are still there. Get good grades as smart as you can. Whether we like it or not, sa grades pa din tayo sinusukat. (Although there are some studies na sinasabing hindi ito ang sukatan ng success sa buhay).

Train yourself to lead people. This will pay you alot someday. You can get ahead of the competition if you know how to lead and organize people.

Hone your communication skills. Wag puro problem solving ginagawa mo. Magsulat ka din. Mind your grammar.

Finally, and most importantly, try to revisit your values. Guys, hindi lang utak ang hinahanap sa trabaho. Puso din.

About

Government Accountants, Budget Officers, Treasurers and Auditors’ Forum