Sampung (10) Bagay Na Di Dapat Ginagawa ng Government Accountant at Budget Officer

  1. Gumastos ng pondo ng gobyerno na walang legal na basehan.

  2. Gumastos ng labis sa inaprubahang pondo.

  3. Gastusin ang pondo sa ibang bagay maliban sa itinakdang layunin para sa pondo.

  4. Magsumite ng kulang-kulang na dokumento sa COA para sa mga ginastos na pondo.

  5. Gumastos sa mga bagay na iregular, hindi kinakailangan, sobra sobra sa kailangan, maluho, at hindi katanggap-tanggap.

6. Gumastos sa mga bagay na labag sa procurement law at iba pang batas at alituntunin.

7. Magsumite ng ulat (reports) sa COA ng lagpas sa itinakdang palugit (deadline).

8. Magsumite ng ‘dinoktor’ o mali-maling ulat (reports) sa COA.

9. Magsumite ng ‘dinoktor’ o hindi totoong dokumento sa COA.

10. Hindi nagbabasa ng mga bagong Circulars na inissue ng mga kinauukulan.

About

Government Accountants, Budget Officers, Treasurers and Auditors’ Forum