No More Pharmally Case: NGPA, Biggest Anti-Corruption Measure in PH

No More Pharmally Case: NGPA, Biggest Anti-Corruption Measure in PH

Kampante ang Department of Budget and Management (DBM) na hindi na magkakaroon ng isa pang Pharmally case ang gobyerno dahil sa bagong batas ng gobyerno ukol sa procurement — ang National Government Procurement Act o NGPA sa ilalim ng Republic Act No. 12009.


Ito pong bagong procurement na ‘to, hindi na po mangyayari ‘yang Pharmally na ‘yan. While we made it a little flexible in doing the procurement process, there are still safeguards

DBM Secretary Amenah F. Pangandaman

Ayun sa DBM, ang bagong batas na ito ay naglalayung paigtingin ang efficiency sa procurement, siguruhin na kalidad ang mga mabibiling produkto at serbisyo, at palakasin ang paglaban ng gobyerno sa korupsyon.

We will make the government procurement process more transparent, and we will make use of technology. Whatever money we put in our budget, we would like the departments and agencies na magamit kaagad-agad para po sa ating mga kababayan,”

DBM Secretary Amenah F. Pangandaman

Ang DBM ay nakikipagtulungan sa World Bank, Asian Development Bank, at United Nations sa pagbuo ng implementing rules and regulations (IRR) ng nasabing batas na inaasahang lalabas sa Oktubre ngayong taon.

Ayun sa Section 112 ng RA 12009, ang Government Procurement Policy Board (GPPB) ay inatasan na maglabas ng IRR sa loob ng 180 days mula sa pagkaapruba ng batas. Ang RA 12009 ay inaprubahan ng Pangulong Marcos Jr. noong Hulyo 20, 2024.

Sinabi din ng DBM na ang paggawa ng IRR ay isang metikulusong proseso sapagkat napakaraming kailangan isaalang-alang lalo na at magkakaroon ng maraming modalities ang bagong procurement law.


“Marami pong IRR ang kailangan gawin dito kase maraming bagong modalities ng pagpo-procure ang i-dinagdag natin… We have a technical staff o TSO (Technical Support Office). Nagsisimula na po tayo i-finalize ‘yung mga corresponding IRRs don sa mga bago nating modes of procurement.”

DBM Secretary Amenah F. Pangandaman

Ang mga bagong procurement modalities na tinutukoy ng Kalihim ay ang mga sumusunod: competitive dialogue, unsolicited offers with bid matching, direct acquisition, direct sales, and direct procurement for science, technology, and innovation. Ang mga ito ay dinisenyo upang pabilisin ang proseso ng procurement sa gobyerno.

Samantala, ayun sa DBM ang isa pang kapansin pansin na bagong sistema sa nasabing batas ay ang paglayo sa dating proseso ng “lowest cost/lowest bidder” na isa sa naging batayan sa pagpili ng mananalong bidder sa ilalim ng kasalukuyang procurement law o ang RA 9184.


“Hindi na po kailangan mura. Dati po ‘di ba laging mura nalang dapat? Ngayon pwede na din po based on technical specifications and quality,”

DBM Secretary Amenah F. Pangandaman

Idinagdag pa ng Kalihim na magkakaroon din sa hinaharap ng mala-shopee o lazada na procurement ng common-use supplies.

For Common-Use Supplies and eventually kahit hindi po common-use, meron na po tayong ‘add to cart’.

Hopefully by this year, makapag-pilot tayo for vehicles sa national government. Kasi po napakalaking budget po ang nakalaan para sa pagbili ng mga vehicles for national government use. Kapag ginawa mo yang common-use at nilagay mo sa isang site, ‘di ba mas madali po mamili? Andun na ‘yung specifications”

DBM Secretary Amenah F. Pangandaman

Sisuguruhin daw ng Procurement Service, isang attached agency ng DBM, na ang mga de kalidad na manufacturers or suppliers lamang ang sasali sa nasabing online procurement platform.

Matatandaan na ang Pharmally Pharmaceutical Corp. ay nasangkot sa isang iskandalo na di umanoy overpriced medical supplies na ibinenta sa gobyerno ng Pilipinas. Nasangkot dito ang ilang dating matatas na opisyal ng Procurement Service. [1]

About

Government Accountants, Budget Officers, Treasurers and Auditors’ Forum