Fully Funded Na! — 1st Tranche Salary Increase of National Government Employees
Inanunsyo ng Department of Budget and Management (DBM) na nai-release na nito ang pondo para sa implementasyon ng 1st Tranche Salary Increase ng national government employees.
Ayun sa DBM, nai-released na nito ang halagang Php 36.450 billion sa lahat ng 308 departments/agencies.
Kaugnay nito, umaapela ang Kalihim ng DBM sa lahat ng heads of departments/agencies na bilisan ang pag-proseso ng mga transaksyon ukol sa agarang pagbayad ng salary adjustment ng mga kawani ng gobyerno. Kabilang na dito ang mabilis na pagproseso ng Notice of Salary Adjustment (NOSA) na kailangan upang mabayaran ang nasabing salary adjustment.
Iginiit din ng DBM na ang pagpapatupad ng 1st Tranche Salary Increase sa national government ay retroactive. Ibig sabihin, ito ay epektibo simula January 1, 2024.