DBM Naglaan ng ₱9.5 Billion para sa Medical Allowance ng Government Employees sa 2025

DBM Naglaan ng ₱9.5 Billion para sa Medical Allowance ng Government Employees sa 2025

Naglaan ang Department of Budget and Management (DBM) ng PHP9.5 bilyon para sa bagong medical allowance ng government employees sangayon sa inanunsyo ng Pangulong Marcos Jr. sa kanyang ikatlong State of the Nation Address (SONA).

As you know, healthcare is a top priority of this administration. Sa pamamagitan po ng pagbibigay ng medical allowance sa ating mga lingkod-bayan, matutulungan po natin silang maibsan ang kanilang medical expenses kung kinakailangan, at masigurong napangangalagaan ang kanilang kalusugan

DBM Secretary Amenah F. Pangandaman

Ayun sa DBM, ang alokasyon ay inilagay sa Miscellaneous Personnel Benefits Fund (MPBF) para sa taong 2025 at layong mapakinabangan ng higit sa isang milyong kawani ng gobyerno.

Ang bawat kawani ng gobyerno ay makatatanggap ng medical allowance bilang subsidiya upang magamit sa pagkuha ng benepisyo ng Health Maintenance Organization (HMO) o HMO-type benefits, ayon sa DBM.

Maaaring gamitin ang medical allowance para sa iba’t ibang serbisyong medikal, na makatutulong sa mga kawani ng gobyerno sa health-related emergencies.

Ang mga kawani ng National Government, State Universities and Colleges, at Government-Owned or -Controlled Corporations ng Executive Department ang makatatanggap ng nasabing medical allowance.

Inanunsyo din ng Pangulong Marcos Jr. sa kanyang SONA ang napipintong pagtaas ng sahod ng mga kawani ng gobyerno na ibibigay sa apat na tranches. Ang gobyerno ay naglaan ng P70 billion sa 2025 National Expenditure Program para sa 1st and 2nd tranches nito.

Source: Philippine News Agency

About

Government Accountants, Budget Officers, Treasurers and Auditors’ Forum