CPD Points | Pwede ba gamitin ang training hours sa CPD Points?
So eto ganito po yun, sa agency namin ako po yung budget officer and CPA po ako. Bago pa lang po ako na appoint. Pinapa-attend ako ng seminars madalas ni RD para daw po sa work ko. I have accumulated up to 56 hours of seminars. So I was wondering if pwede ko ba ito magamit sa PRC for CPD points? Thank you po and God bless Gabbie. BTW active member po ako ng page nyo.
Ang alam namin hindi ito automatic. Ibig sabihin, hindi lahat ng training/seminar ay may katumbas na CPD points.
Una, dapat ang training provider ay pinahintulutan ng PRC na magsagawa ng training/seminars na may katumbas na CPD points.
Pangalawa, dapat ang training/seminar na isinagawa ay may katumbas na CPD points. (Ang alam namin, hindi lahat ng training na isinasagawa ng CPD-accredited trainors ay may CPD points)
Halimbawa, ang mga ilang trainings na isinasagawa ng PAGBA, GACPA, atbp. ay may katumbas na CPD points. Meron din silang mga trainings na walang katumbas na CPD points.
Usually naman, inilalagay nila ito sa invitation letter nila kung ang training/seminar ay may katumbas na CPD points. Inilalagay rin nila ito sa Certificate of Participation/Completion na makukuha ng trainees pagkatapos ng seminar/training.
Kaya yung na-earn na 56 hours of training/seminar ng sender ng question, hindi automatic na may katumbas itong CPD points. Depende sa nature ng training, pwede itong ipa-assess sa PRC kung pwede itong gawing CPD points. Meron nga lang itong bayad.
View more comments on Facebook