CPAs Reveal the Real Reason Why They Pursued Accountancy Before (you’ll be surprised of their answers!)

CPAs Reveal the Real Reason Why They Pursued Accountancy Before (you’ll be surprised of their answers!)

We asked real Certified Public Accountants (CPAs), “Bakit nga ba Accountancy kinuha mong course noon?” and we were surprised of their answers. (And we are sure, you will be surprised too!)

We asked:

Bakit nga ba Accountancy kinuha mong course noon?

Here are their answers:

1. [Yun kasi ang] sabi ng parents [ko] 🙂 – Kat Tadina, CPA

2. Ung crush ko noon nasa accountancy dn e. – David Sison, CPA

3. Course nung sinundan ko sa pila 😂 – Abhy Valentin, CPA

4. Sabi kz ng papa ko pirma pirma lang daw trabaho ng accountant😜😆😱 – Rosemarie Agustin Custodio, CPA

5. Because i love numbers, for me dealing with numbers is easy, i should took up BS Math but then during enrollment nkita ko sa list ng courses ang BS Accountancy, it’s new for me kasi dati under commerce. Though hindi lng simply numbers & computations but analysis, simplifying everything so we can produce reports that is realible & useful…. no regrets but proud accountant!😃 – Sherill Arnaiz Sellote, CPA

6. Una sa mga pagpipilian. In alphabetical order kasi yung choices. 😂😂 – Shala Requinala Seletaria, CPA

7. [Yun kasi] Gusto ng nanay ko. Haha – Joy Yusof-Chua, CPA

8. Kasi ung math skills ko plus minus times divide lang. At mahina ako sa kahit anong subject na science. Kaya laking pasasalamat ko na nag accountancy ako 😂 mahirap ang accountancy pero atleast kaya pang intindihin. Ung science at mga math kasi talaga di kaya i.digest ng utak ko 😂😂😂😂 plus wala akong talent sa pagtatanim at pagtitinda. Pero hindi po yan ang dahilan. Actually, nakita ko lang dun sa poster(councilor ata un) sa amin ung CPA kaya un kinuha ko 😂😂😂😂 – Edzelbeth Edzelbeth, CPA

9. Akala ko kasi madaming pera (pangarap kung yumaman ehh) ngayon napagtanto ko na mas marami pala numero kesa pera (tinaya ko nlng sana sa lotto baka ngayon bilyonarya na ako) hahaha!!! pero ang totoo, eto lang ang naisip ko na swak (dami kong talent kasi) 😁😂😂😂 – Ablem Robla, CPA

10. Dahil un ang pinakamagandang course na offered sa PUP that time? 😊✌️😂 – Jeremy Bayan, CPA

11. Sabi nila di raw ako mahihirapang magtrabaho eh – Timothy John Yap, CPA

12. Kasi ayaw ako ipakuha ng parents ko ng CE at dahil karamihan sa kaibigan ko, nagproceed ng Acctcy, kaya un na lang pinaglaban ko na course. 😂 – Sittie Saimah B. Musor-Galman, CPA

13. Hindi ku nga rin alam. Yun kasi ang murang tuition sa amin dati. 😅 – Jha-Jha Laguerta, CPA

14. Mura tuition compared sa architecture/ engineering/ med courses. 😞 – Hershy Lou Santos, CPA

15. Kasi hindi afford ng mom ko ng ECE – Saladin Rahman IV, CPA

16. Kasi yun ang kurso ng tita ko na student assistant when i enrolled hahhahaha – Mona Rafal-Brionnes, CPA

17. Kala ko kasi balance balance lang eh 😂 – Marygrace Bacud Liban, CPA

18. Yon kasi yong usong course – Aiko Abasolo, CPA

19. Mura tuition sa PSBA at walang pila sa accountancy – Jojo Lorenzo, CPA

20. Sabi ni Tatay di nila kaya mag medicine ako kaya bsc accounting na lang daw, kahit di daw ako pumasa sa licensure mabilis daw makakuha ng trabaho, kahit office clerk daw. Aaawww itinodo ko na lang pag aral. – Versale Sagadlet Oliverio, CPA

21. Akala ko puro math lol – Maricar Cusi, CPA

22. Yun kase ang gustong kurso ng ninong kong nagpapaaral sakin. 🙄😑 – Aldrin Santos, CPA

23. Wala kasing pila! 😊 – Marie Astudillo, CPA

24. Pra merong gagamit sa libro ng ate ko😂 – Kim N Rio, CPA

25. Kala ko kasi pipirma kalang pag accountant. 😂😂 – Lhoyd Ambulo, CPA

26. Yan kasi course na kinuha ng kasabay ko mag-enroll non kaya [ginaya] ko na din 😂 – Greg Mercado, CPA

27. Hindi kse kaya tuition sa medicine 🙂 at nung pwede ayoko na lumipat – Cecille Batula Villarete, CPA

Do you agree with their reasons? Share to us your reasons too.

View More Responses>>>

About

Government Accountants, Budget Officers, Treasurers and Auditors’ Forum

3 Comments on “CPAs Reveal the Real Reason Why They Pursued Accountancy Before (you’ll be surprised of their answers!)

  1. Isa din ako nabiktima ng course na to. Kinopya ko lang yung course na nilagay ng bestfriend ko sa application. Took me 7 years (6 years sa college at twice kumuha ng board exam) para lang sa titulo. Ito rin cguro yun reason kung bakit tatanda rin ako na dalaga. 😅