COA: ‘Operation Tuli’ Ilegal
Babala sa mga government agencies, ipinagbabawal ng COA ang ‘operation tuli’ lalo na kung ito ay hindi sang-ayon sa mandato ng ahensya at kung ito ay walang sapat na legal na basehan.
Sa kalalabas lang na desisyon ng COA sa Calabanga Water District (CWD) sa Camarines Sur, dinis-allow ng COA ang expenses ng CWD na nagkakahalaga ng Php 19,978.12. Ang naturang halaga ay ginamit ng ahensya sa kanilang ‘operation tuli’, isang aktibidad para sa kanilang silver anniversary.
Bagamat nag-petisyon ang CWD para ikonsidera ng COA ang kanilang appeal, sabi ng COA huli na ang lahat sapagkat naisumite lamang ang appeal 194-days pagkatapos matanggap ng CWD ang Notice of Disallowance
[Read: When should a Notice of Disallowance be Settled?]
“Perfection of an appeal in the manner and within the period permitted by law is not only mandatory but also jurisdictional and the failure to perfect the appeal renders the judgment final and executory,” the COA-Commission Proper said.
“Having attained finality, the assailed decision is immutable and unalterable and may no longer be modified in any respect, even if the modification is meant to correct erroneous conclusion of fact and law,” the COA ruled.
Actual Case:
http://bit.ly/OperationTuliIlegalCOA