Saan Aabot ang Salary Increase Mo?
Marami ang excited at natuwa ng inanunsyo ng Pangulo ang pagtaas ng sahod ng mga empleyado ng gobyerno simula ngayong taon hanggang 2027. Ibibigay ito ng apat (4) na tranches na magsisimula ngayong taon.
Kahapon lamang, inilabas na ng Malacañang ang Executive Order No. 64, s. 2024 na nagtatakda ng mga general guidelines sa pagpapatupad nito gayundin ang Salary Schedule na kung saan makikita ang makukuhang buwanang sahod ng mga kawani ng gobyerno simula January 1, 2024.
Ipinaliwanag din ng Department of Budget ang Management (DBM) na ang 1st Tranche salary increase ay ipapatupad retroactively, na ang ibig sabihin, bagamat nasa kalagitnaan na tayo ng taong 2024, ipapatupad pa din ito effective January 1, 2024.
But we are interested to know, magkaano ang matitira sa salary increase mo, pagkatapos tanggalin (o i-deduct) ang mga authorized deductions tulad ng tax, GSIS, Pag-IBIG, at PhilHealth deductions.
Saan Aabot ang Salary Increase Mo?
Sa article na ito, gagamit tayo ng ibat-ibang Salary Grade para i-illustrate kung magkaano ang matitira sa salary increase ng isang government employee sa oras na ipatupad ito.
Gagamitin natin ang Salary Schedule para sa National Government Agencies for purposes of this illustration.
Gayundin, paghahambingin natin ang 4th Tranche Salary Schedule (effective January 1, 2023) per NBC No. 591 at 1st Tranche Salary Schedule (effective January 1, 2024) per EO No. 64, s. 2024.
Salary Grade 1
Ang Salary Grade 1 ang pinakamababang salary grade sa gobyerno. Ang salary increase ng Salary Grade 1 simula January 2024 ay ₱530.00 (₱13,530.00 – ₱13,000.00). Kung ibabawas ang personal share sa GSIS at PhilHealth contribution, ito ang magiging Net Salary Increase.
Salary Increase = ₱530.00
Less: GSIS – Personal Share (PS) (9%) = ₱47.70
Less: PhilHealth – PS (2.5%) = ₱13.25
Net Salary Increase (NSI) = ₱469.05
Ang Salary Grade 1 ay walang tax sapagkat hindi ito aabot sa annual taxable income na ₱250,000.00 pataas.
Ang matitira sa salary increase ng Salary Grade 1 pagkatapos tanggalin ang GSIS at PhilHealth contributions ay ₱469.05, maaring sapat pandagdag sa pang araw araw na gastusin o kulang pa rin dahil sa patuloy na pagtaas ng presyo ng bilihin.
Salary Grade 11
Ang Salary Grade 11 ang madalas na salary grade ng entry position para sa mga professionals. Sa ibang agency, Salary Grade 13 ang entry position.
Narito naman ang matitira sa salary increase ng Salary Grade 11 pagkatapos ibawas ang tax at authorized deductions.
Salary Increase = ₱28,512 – ₱27,000 = ₱1,512.00
Less: GSIS – PS (9%) = ₱136.08
Less: PhilHealth – PS (2.5%) = ₱37.08
Less: Tax (approx. 15%) = ₱226.80
Net Salary Increase = ₱1,112.76
Salary Grade 19
Ang Salary Grade 19 naman ay usually senior technical and administrative positions. Ito naman ang matitira sa salary increase nila after ng authorized deductions at tax.
Salary Increase = ₱53,873 – ₱51,357 = ₱2,516
Less: GSIS – PS (9%) = ₱226.44
Less: PhilHealth – PS (2.5%) = ₱62.90
Less: Tax (approx. 20%) = ₱503.20
Net Salary Increase = ₱1,723.46
Salary Grade 24
Ang mga nasa Salary Grade 24 naman ay usually mga Division Chief. Ito naman ang matitira sa salary increase nila, net of deductions
Salary Increase = ₱94,132 – ₱90,078 = ₱4,054
Less: GSIS – PS (9%) = ₱364.86
Less: PhilHealth – PS (2.5%) = ₱101.35
Less: Tax (approx. 25%) = ₱1,013.50
Net Salary Increase = ₱2,574.29
Ang mga nasa itaas na illustrations ay halimbawa lamang kung paano i-compute ang matitira sa salary increase pagkatapos tanggaling ang authorized deductions at tax.
Pwede itong gawin sa ibang salary grade para magkaroon ng ideya kung magkaano more or less ang matitira sa itinaas sa buwanang sahod gawa ng pagpapatupad ng bagong salary increase.
Sapat ba o hindi ang salary increase?
Kung sapat ba o hindi ang itataas sa sahod ng kawani ng gobyerno ay depende sa empleyado mismo.
Ipinahayag ng DBM na ang salary increase na ito ay dumaan sa masusing pag-aaral upang tugunan ang pangangailangan ng bawat kawani ng gobyerno. Ito ay upang makaakit pa ng magagaling na mamamasukan sa gobyerno at panatilihin ang mga regular ng empleyado.
Hindi sapat at attractive ang increase dahil halos P100 per day lang ang increase. Hindi ito sapat para matugunan ang pagtaas ng mga bilihin, kuryente, at pamasahe. Dapat hindi bababa sa P300/day ang increase para makaluwag ang mga empleyado at pra maging attractive ang suweldo.
Not bad but mas maigi kung across the board na lang na increase di base sa salary grade para masaya lahat