10 Tips para may pambayad sa CNA Incentive
Madaming empleyado ng gobyerno ang kinakabahan at nagsasabi, kung kailan naman daw naging ₱30,000.00 na ang CNA Incentives (mula ₱25,000.00 ng mga nakaraang taon), ngayon pa mukhang hindi ito maibibigay in full (or worst wala talaga) sapagkat kulang na kulang ang MOOE ng mga government agencies kung saan pwede kunin ang pambayad sa CNA Incentives.
Tandaan natin na ang pondo na pwedeng gamiting pambayad sa CNA incentives ay dapat magmula sa cost-cutting measures and systems improvements na mula sa collective efforts ng management at rank-and-file employees.
Gayundin, ang CNA incentives ay dapat lamang i-charge sa specific sources at hindi pwedeng kunin sa iba pang sources na hindi ina-allow ng Department of Budget and Management (DBM).
Kaya naman sa post na ito, i-share namin ang personal thoughts namin kung paano makakatipid ng pondo ang isang opisina upang may matira na pambayad sa CNA incentives ng government employees.
Ang mga pratical tips na ito ay base sa nine (9) allowable MOOE items na kung saan pwede kunin ang pambayad sa CNA incentives.
Practical Tips to Save Funds for the Payment of CNA Incentives
On Funds for Traveling, Transportation, repairs and maintenance Expenses
Tip No. 1: Iwas iwas muna sa travel, kung meron naman alternative ways upang isagawa ang purpose ng travel or kung pwede naman itong iwasan. Kung pwede namang gawing online ang meeting gawin ito. Kung pwede namang isa lang na staff ang ipadala instead na buong opisina, gawin din. Or, kung pwede namang wag muna mag-attend, mas mainan gawin ito upang makatipid ng pondo.
Tandaan natin na sa official travel pa lang gumagastos na ang gobyerno ng napakalaki sa mga sumusunod:
– daily travel expenses (DTE) na maaring umabot ng ₱1,500 hanggang ₱2,200/day per employee depende sa location (point of destination);
– air and/or land travel fares lalo na kung ang taga south mag travel papuntang north, vice versa. Napakamahal ng air fares at pamasahe ngayon di ba?;
– fuel expenses (diesel o gasoline) lalo na ngayon na napakamahal ng gasolina at diesel; at
– repairs and maintenance ng mga sasakyan na ginagamit sa official travel. Ang government vehicles hindi lang basta binubutingting drivers gan, dinadala ito sa authorized service centers para preventive maintenance ng mga ito, which is, napakamahal din!
On Communication Expenses
Ang budget para sa communication expenses ay binubuo ng landline, mobile, at internet expenses, among others.
Tip No. 2: Ang tip namin para makatipid ng pondo para sa communication expenses ay wag ng mag long distance call, kung pwede namang makipag-communicate via email, messenger, viber, chat at iba pang online communication channels. Napakamahal din ng internet subscription ngayon kaya dapat i-maximize ang paggamit nito, which leads us to tip no. 3.
Tip No. 3: Maaari ding i-review periodically ang communication allowance ng government officials and employees upang tignan kung sapat lamang ba ito or baka naman sobra based sa actual consumption nila ng load at internet data at other available communication devices na meron sa opisina. I-consider natin na usually, nasa opisina naman ang karamihan sa kanila during office hours, which is available naman ang telepono at internet (wi-fi), na pwedeng gamitin for communication purposes.
On Utility Expenses
Kabilang dito ang electricity at water expenses. So simple lang at straightforward ang Tip No. 4 — magtipid sa kuryente at tubig.
Paano makakatipid ng kuryente?
Ayun sa Department of Energy (DOE), upang makatipid ng kuryente, ilagay lamang sa tamang thermostat (25 degrees celcius) ang aircon. Di naman longganisa ang mga empleyado para gawing kasing-lamig ng freezer ang loob ng opisina.
I-off din ang mga di ginagamit na ilaw at equipment para makatipid din sa kuryente. Magtakda ng policy na patayin ang ilaw sa opisina during specific hours, as applicable.
Upang makatipid naman sa tubig, dapat siguruhin na walang mga tagas ang tubo ng tubig ng inyong opisina. Iwasan din mag aksaya ng tubig sa mga toilet flushers, hanggat maaari gumamit ng water-free urinals at water-efficient na mga toilet.
On Supplies and Materials Expenses
Naku marami guilty dito. Tip No. 5 — read carefully and think before you hit the print button. Magisip muna bago i-print ang nasa laptop o computer kasi once na na-print na ito (at may mali, samakatuwid uuliting i-print ulit) ay may gastos na agad ang gobyerno dito: papel, ink, kuryente, internet, etc.
Ang papel at printer ink cartridges ang isa sa mga “fund eaters” ng gobyerno. In fact, ang papel at ink cartridges ang isa sa madalas na binebenta ng DBM Procurement Service kasi ito ang isa sa madalas binibili ng mga government agencies sa kanila. Katunayan ito na magastos ang government agencies sa papel at iba pang office supplies.
I-apply ang tip na ito sa iba pang office supplies tulad ng ballpen (itali kung kinakailangan kasi nawawala ito madalas), gumamit din ng ballpen instead na signpen kung pwede naman, atbp.
Tip No. 6 — wag na wag mag overstock kasi bukod sa ipinagbabawal ng Commission on Audit, hindi din kasi ito practical lalo na kung may expiration date ito, prone sa moist na maaring ikasira nito tulad ng mga papel, at prone sa wastage kasi may ilang empleyado na porke madami stocks ay maaksaya na din sa paggamit.
Tip No. 7 — stive for paperless transactions. Ang tip na ito ay ginagawa na ng ilang mga government agencies pero marami pa rin ang paper-heavy transactions na government agencies. Samakatuwid, hindi maiwasang gumastos sa papel.
Para sa amin, hindi naman kailangan magastos ang pagkakaroon ng paperless transaction sapagkat mayroon naman ng mga free platforms na pwede itong gawin. Halimbawa, instead na i-print ang isang communication letter para i-review ito ng mga supervisors, maaari itong i-share muna through Google Docs or Google Sheet para hindi na muna kailangan i-print. Saka na lamang ito i-print kapag finalized na ito.
On Printing and Publication
Tip No. 8 — mas practical ang publications kung gagawin online. Marami pa din ang preferred ang printed copies ng mga publications pero kung mas preferred ng clients ang online publication, maaari din makatipid ng pondo ang gobyerno dito. Lalo na ngayon, puro digital and mobile devices na ang gamit ng mga tao.
On Advertising Expenses
Tip No. 9 — maging creative sa advertisement, kung pwede namang free. Sa panahon ngayon, hindi na masyadong preferred ng tao ang print and television ads. Sapagkat pwede ng i-promote ang mga programs and projects ng isang opisina through free online platforms kagaya ng mga socialmedia platforms, or di kaya sa mismong website ng government agency.
Ilan lamang ito sa mga halimbawa ng tips na kung saan pwedeng magkaroon ng cost-cutting measures and systems improvement ang bawat ahensya upang magkaroon ng sapat na pondo para sa ibang pangangailangan. Kung ma-assessed na ang natipid dito ay mula sa collective efforts ng management at ran-and-file employees, maaari itong gamitin na pambayad sa kanilang CNA incentives.
More tips…
Tip No. 10 — your tips. Meron ka bang ibang tips na alam na pwede mong ishare said ating mga colleagues sa government? I-share ang iyong tips sa comments section sa ibaba.