Monetization of Leave Credits: Paano Gawing Pera ang Leave Credits?

Ang bawat kawani ng gobyerno whether permanent, temporary, casual, or coterminous na may naipong di bababa sa labinlimang (15) vacation leave credits ay maaaring magrequest na ipa-monetize (o mabayaran) ang kanyang leave credits.
Ayun sa Sections 22 at 23 ng Omnibus Rules on Leave (CSC Resolution No. 98-3142 dated December 14, 1998):
Section 22. Monetization of leave credits – Officials and employees in the career and non-career service whether permanent, temporary, casual, or coterminous, who have accumulated fifteen (15) days of vacation leave credits shall be allowed to monetize a minimum of ten (10) days: Provided, that at least five (5) days is retained after monetization and provided further that a maximum of thirty (30) days may be monetized in a given year.
Section 23. Monetization of 50% of vacation/ sick leave credits – Monetization of fifty percent (50%) of all the accumulated leave credits may be allowed for valid and justifiable reasons subject to the discretion of the agency head and the availability of funds.
Monetization of Leave Credits Guidelines
Sa bawat taon, ang Department of Budget and Management (DBM) ay nagtatakda ng mga guidelines sa pag-monetize ng leave credits ng mga kawani ng gobyerno.
- FY 2025 Guidelines on the Processing of Monetization of Leave Credits of Government Employees (we’ll provide the link once available)
- FY 2024 Guidelines on the Processing of Monetization of Leave Credits of Government Employees
- FY 2023 (no guidelines issued)
- FY 2022 Guidelines on the Processing of Monetization of Leave Credits of Government Employees
Ang guidelines na ito ay naglalaman ng rules and regulations sa pagproseso ng requests for monetization of leave credits. Ang Circular na ito ay aplikable sa national government offices na ang budget ay nasa ilalim ng General Appropriations Act (GAA).
Sa GAA, ang budget para sa Pension and Gratuity Fund (PGF) ay maaring gamitin para sa monetization of leave credits pero subject to conditions.
Ang request for monetization of leave credits ay maaaring i-charge sa available Personnel Services (PS) allotments ng agencies mula sa kanilang built-in appropriations, pagkatapos mabayaran ang RG/TL ng kanilang retirees.
Samantala, sa local government units (LGUs), ang monetization of leave credits ay charged sa local budget, subject sa existing rules and regulations sa personal services budget ng LGU.
Paano i-compute ang Monetization of Leave Credits?
Ang formula para i-compute ang monetization of leave credits ay makikita sa Budget Circular No. 2016-2 dated March 29, 2016 (Computation and Funding of Terminal Leave Benefits and Monetization of Leave Credits (MLC))
Ang formula ay:
MLC = S X D X CF
Where:
MLC = Monetized Leave Credits
S = Highest Monthly Salary Received
D = No. of Accumulated vacation and
sick leave credits
CF = Constant Factor which is
0.0481927
For example:
MLC = S X D X CF
MLC = ₱56,390.00 x 10 days x 0.0481927
MLC = ₱27,175.86
Taxable ba ang Monetized Value ng Leave Credits?
Hindi taxable ang monetized value ng leave credit ng government employees. Kabilang kasi ito sa mga De Minimis Benefits nila na exempt sa tax.
Depende sa kinabibilangang opisina, ang bawat kawani ng gobyerno ay maaaring makapagpa-monetize ng kanilang naipong leave credits, subject sa availability of funds at sa umiiral na mga polisiya ukol dito.
Question?
Kung meron kayong katanungan ukol sa post na ito, magiwan kayo ng mensahe sa amin sa comments section sa ibaba o bisitahin ang aming Facebook Page.
Leave a Comment