Meron Bang Salary Increase sa 2024 (para sa Government Employees)?

Meron Bang Salary Increase sa 2024 (para sa Government Employees)?

Noong Agosto ngayong taon, sabi ng Department of Budget and Management (DBM) ay naglaan sila sa 2024 National Budget ng mahigit ₱16 bilyon para sa salary increase / salary adjustment ng government employees sa taong 2024.

We have alloted ₱16.95 Billion in the FY 2024 MPBF* to support the compensation adjustment that may be pursued starting next year.

*Miscellaneous Personnel Benefits Fund (MPBF)

Secretary Amenah F. Pangandaman, DBM

Ayun pa sa balita, kung matutuloy ito, tataas mula 2% hanggang 8% ang buwanang sahod ng bawat government employee simula sa susunod na taon (2024) kumpara sa buwanang sahod nila ngayong 2023.

Ang nasabing salary increase ay direktiba umano ng Pangulong Bongbong Marcos na magsagawa ng pag-aaral ang DBM ukol dito upang siguruhin na ang sahod ng bawat government employee ay competitive kumpara sa private sector.

Samantala, kung maapruban ang nasabing National Budget, tataas din mula sa kasalukuyang ₱6,000.00 sa ₱7,000.00 ang uniform and clothing allowance ng civilian government employees.

Matutuloy ba ang salary increase sa 2024?

Ayun sa isang ulat, kung magkakaroon man ng salary increase sa 2024, maaari itong ma-delay ng kaunti dahil sa problema (failure of bidding) sa procurement.

Gayunpaman, kung matutuloy ito, pwede pa rin naman itong i-implement sa taong 2024, ngunit retroactive nga lang. Ang ibig sabihin nito, kung maaprubahan ang salary increase later part ng 2024, maaari pa rin nitong i-cover ang January hanggang December, depende sa nilalaman ng batas.

“Unfortunately nagkaroon ng failure sa bidding and therefore magkakaroon ng negotiated procurement. In which case, magkakaroon po ng kaunting delay sa ating pag-aaral.

Kapag matuloy po ang negotiated procurement by October, by December po natin makukuha ang results ng pag-aaral.”

Marikina Representative Stella Quimbo, House Appropriations Committee Senior Vice Chair

Meron bang salary increase ang government employees sa 2024?

As of this writing, wala pang balita na di matutuloy ang proposed salary increase para sa government employees sa 2024. Kaya may pag-asa. Ngunit wala din nagkukumpirma kung matutuloy ito.

Anong kailangan para matuloy ang Salary Increase sa 2024

Para matuloy ang salary increase sa 2024, may mga bagay na dapat masiguro:

Una, lumabas sa nasabing pag-aaral (compensation study) na may sapat na dahilan para itaas ang sahod ng bawat government employee.

Pangalawa, may batas (salary standardization law) na maaprubahan upang i-implement ito, kasama ang implementing rules and regulations (IRR) o guidelines para dito.

Pangatlo, maapruban ang proposed budget para dito, which means, bago maaprubahan, dapat masiguro ng gobyerno na may sapat na pondo (cash) para i-implement ito.

Anong kailangan gawin ng government employees sa ngayon?

Maghintay. Walang magagawa saganang sarili ang mga government employees sa ngayon kundi matiyagang maghintay sa salary increase. May proseso itong kailangan pagdaanan upang maging batas at bago ito maimplement.

About

Government Accountants, Budget Officers, Treasurers and Auditors’ Forum