List of LGUs Eligible to the FY 2023 Performance-Based Bonus (PBB)
Nasaan ang listahan?
(Marahil tanong ito ng maraming LGUs ngayon)
Legal Basis on the Grant of PBB for FY 2023 for LGU Officials and Employees
Noong Setyembre ng taong ito, naglabas ng guidelines ang Department of Budget and Management (DBM) at Department of the Interior and Local Government (DILG) ukol sa Performance-Based Bonus (PBB) ng local government units para sa taong 2023.
Ang guidelines na ito ay ang DBM-DILG Joint Circular No. 2025-001 dated April 30, 2025 na may pamagat na Guidelines on the Grant of Performance-Based Bonus for Officials and Employees of Local Government Units (LGUs) for Fiscal Year 2023.
Ayun sa guidelines, ang empleyado ng bawat LGU ay maaaring makatanggap ng PBB sa taong 2023 basta ma-comply ng LGU ang mga conditions na nakalagay dito.
Conditions on the Grant of FY 2023 PBB to LGU personnel
Ayun sa DBM-DILG Joint Circular No. 2025-001, para maging eligible ang LGU sa FY 2023 PBB dapat itong maging awardee ng Seal of Good Local Governance (SGLG) sa taong 2023.
Bukod dito, ang mga LGUs na awardee ng SGLG sa taong 2023 ay kailangan magawa ang mga sumusunod upang makatanggap ng FY 2023 PBB:
- Set-up most current and updated Citizens Charter;
- Sustained compliance with audit findings; and
- Used CSC-approved Strategic Performance Management System (SPMS) and CES Board performance ratings.
Basahin ang guidelines na nabanggit sa kabuuang detalye ng bawat kondisyon na nabanggit sa itaas.
Paano maging eligible o qualified sa FY 2023 PBB ang LGU?
Para mag-qualify sa FY 2023 PBB, ang LGU ay dapat munang maging SGLG awardee sa taong FY 2023. Kapag qualified na ang LGU dito, kailangan nitong magawa ang tatlo (3) pang nabanggit na kondisyon.
Kapag mayroon isa na hindi na-comply ang LGU sa tatlong kondisyon, maari pa rin itong mag-grant ng FY 2023 PBB ngunit ang unit o personnel na most responsible sa deficiency ay hindi na maaaring makatanggap ng kanyang FY 2023 PBB.
Ang bawat kondisyon ay may katumbas na score:
- 20 points — SGLG Awardee
- 10 points — Updated Citizens Charter
- 10 points — Sustained Audit Findings
- 10 points — Performance Rating System consistent with SPMS
Ang pinakamataas na score na maaring makuha ng LGU ay 50 points. Ang LGU ay dapat makakuha ng at least 40 points para maging eligible sa FY 2023 PBB. Ngunit tandaan na dapat SGLG awardee muna ang LGU bago ito magqualify sa attainment ng iba pang conditions.
Is the Grant of FY 2023 PBB to LGU personnel mandatory?
Hindi mandatory ang pag-grant ng FY 2023 PBB. Ang mga LGUs lamang na dumaan sa enrollment at validation process at naging eligible sa lahat ng criteria ang maaaring mag-grant ng FY 2023 PBB. Mababasa sa guidelines ang proseso ng enrollment at validation process.
Paano maging eligible ang LGU officials and personnel sa FY 2023 PBB?
Ang Local Chief Executive at Sanggunian members ay magiging eligible lamang kung ang kanilang LGU ay eligible sa FY 2023 PBB. Ang mga empleyado naman ay dapat mayroong at least “Very Satisfactory” rating sa kanilang CSC-approved SPMS.
Magkaano ang FY 2023 PBB ng LGU personnel (FY 2023 PBB Rates of LGUs)?
Ang LGU officials at personnel ay maaaring makatanggap ng FY 2023 PBB na up to 65% ng kanilang buwanang sahod as of December 31, 2023. Para makuha ito, kailangan makakuha ng perfect score of 50 points ang LGU. Gayunpaman, kung 40 points lang ang nakuhang score ng LGU, 50% ng buwanang sahod as of December 31, 2023 ang maaring makuhang PBB ng kanilang empleyado at opisyal.
List of LGUs eligible to the FY 2023 PBB
Ayun sa guidelines, ang listahan ng mga LGUs na eligible sa FY 2023 PBB ay makikita sa Results-Based Performance Management System (RBPMS) at DILG websites: a) https://rbpms.dap.edu.ph; at b) https://www.dilg.gov.ph.
Tanging ang mga LGUs na nag-signify sa DILG (via Bureau of Local Government Supervision) ng kanilang intent to participate in the grant of FY 2023 PBB at pumasa sa enrollment at validation process ang maaaring maging eligible dito.
Ang BLGS ay isusumite sa PBB Secretariat ang listahan ng mga LGUs na kwalipikado sa lahat ng local governance standard. Ang PBB Secretariat naman ay sasabihan ang ARTA, CSC at COA na i-validate ang compliance ng lahat ng LGUs na isinumite ng BLGS. Pagkatapos ng validation, ang ARTA, CSC at COA ay magsusumite sa PBB Secretariat ng kanilang findings para magawa ng PBB Secretariat ang List of Eligible LGUs to the FY 2023 PBB. Ang listahan na ito ay ibibigay ng PBB Secretariat sa DILG.
List of LGU Seal of Good Local Governance Awardees
Sa ngayon, ang available pa lamang na listahan sa website ng DILG ay ang LGU Seal of Good Local Governance Awardees for FY 2023 na syang unang requirement para mag-qualify sa FY 2023 PBB. Nasa ibaba ang link para makita ito:
2023 List of Seal of Good Local Governance Awardees
Paano malalaman kung may FY 2023 PBB ang LGU?
Base sa listahan na ibinigay ng PBB Secretariat sa DILG, mag-i-issue ito ng Notices of Eligibility sa mga kwalipikadong LGU. Ito ay pirmado ng DILG Secretary. Ang Notice of Eligibility na ito ang magsisilbing authorization ng LGU upang mag-grant ng FY 2023 PBB. Tanging ang mga LGU na nakatanggap ng Notice of Eligibility ang pwedeng mag-grant ng FY 2023 PBB. Kaya kung walang natanggap ang LGU na Notice of Eligibility bago December 31, 2025 ay maaaring hindi ito kwalipikadong tumanggap ng PBB.
Nasaan ang listahan ng Eligible LGUs sa FY 2023 PBB

May mga sources na nakita kami na meron ng listahan ng mga LGUs na eligible sa FY 2023 PBB. Ang dokumento na ito ay isang Memorandum mula sa DILG Central Office na para sa mga DILG Regional Offices kung saan nakalista ang mga LGUs na eligible sa FY 2023 PBB. Nasa ibaba ang ilan sa mga sources na nakita namin
Meron kaming buong kopya ng nasabing Memorandum ngunit hindi kami awtorisado na i-share ito dito sa aming website bilang paggalang sa DILG. Kaya ang payo namin sa mga LGU na nais makakita ng buong listahan ay makipagugnayan sa DILG Regional Office na nakakasakop sa inyo o sa DILG Central Office.
Kailan babayaran o pwedeng matanggap ang FY 2023 PBB?
Ang FY 2023 PBB ay maaring matanggap o bayaran hanggang December 31, 2025.
Question
Kung meron kayong katanungan ukol sa post na ito ay magiwan kayo ng mensahe sa amin sa comments section sa ibaba.