Isang COA Auditor Natanggal sa Serbisyo dahil sa Unauthorized Allowances

Isang COA Auditor Natanggal sa Serbisyo dahil sa Unauthorized Allowances

Isang Audit Team Leader (ATL) na hindi pinangalanan ng Commission on Audit (COA) ang natanggal sa serbisyo dahil sa “unauthorized allowances” na hiningi sa mga ahensya na kanyang naging auditees.

Kabilang sa mga nasabing unauthorized allowances na hiningi ng nasabing ATL ay travelling allowances, cash and gifts in kind, medical cash assistance at iba pa.


Claiming unauthorized allowances and collecting travel allowance from the agency while being aware of the prohibition showed the intent to violate the law and the rules and regulations,” – Commission on Audit

Maliban dito, inireklamo din ang nasabing Auditor ng pagbabayad ng walang sapat na pondong cheke (insufficient fund), at paghikayat sa ilang COA employees na mag-invest sa lottery outlets at off-track betting stations.

Sa kanyang naging depensa, sinabi ng nasabing ATL na kulang ang kaalaman nya ukol sa alintuntunin ng gobyerno patungkol sa pagpasok sa pribadong negosyo, ngunit inamin nya na tumanggap sya ng medical assistance mula sa kanyang mga auditees upang ipagamot ang ilang miyembro ng pamilya.

Ayun sa Section 18 ng RA 7658 (The Compensation and Position Classification Act of 1989):

In order to preserve the independence and integrity of the Commission on Audit (COA), its officials and employees are prohibited from receiving salaries, honoraria, bonuses, allowances or other emoluments from any government entity, local government unit, and government-owned and controlled corporations, and government financial institutions. – Section 18, RA 7658

Sa desisyon ng COA, ang naturang ATL ay ‘perpetually disqualified from holding public office’ at ang kanyang retirement benefits mula sa kanyang panunungkulan sa gobyerno ng 31 years ay forfeited.

Source: Malaya Business Insight, Rappler, COA Circular No. 2011-001

About

Government Accountants, Budget Officers, Treasurers and Auditors’ Forum