Monetization: Paano Gawing Pera ang Leave Credits ngayong 2024?
Ang bawat kawani ng gobyerno whether permanent, temporary, casual, or coterminous na may naipong di bababa sa labinlimang (15) vacation leave credits ay maaaring magrequest na ipa-monetize (o mabayaran) ang kanyang leave credits.
Ayun sa Sections 22 at 23 ng Omnibus Rules on Leave (CSC Resolution No. 98-3142 dated December 14, 1998):
Section 22. Monetization of leave credits – Officials and employees in the career and non-career service whether permanent, temporary, casual, or coterminous, who have accumulated fifteen (15) days of vacation leave credits shall be allowed to monetize a minimum of ten (10) days: Provided, that at least five (5) days is retained after monetization and provided further that a maximum of thirty (30) days may be monetized in a given year.
Section 23. Monetization of 50% of vacation/ sick leave credits – Monetization of fifty percent (50%) of all the accumulated leave credits may be allowed for valid and justifiable reasons subject to the discretion of the agency head and the availability of funds.
Ang Department of Budget and Management (DBM) ang nagtatakda ng mga guidelines sa pag-monetize ng leave credits ng mga kawani ng gobyerno.
Sa taong ito (2024), ang Circular Letter No. 2024-1 ang guidelines para sa pagproseso ng requests for monetization of leave credits. Ang Circular na ito ay aplikable sa national government offices na ang budget ay nasa ilalim ng General Appropriations Act.
Sa local government units (LGUs) ang monetization of leave credits ay charged sa local budget, subject sa existing rules and regulations sa personal services budget ng LGU.
Ayun sa DBM, ang budget para sa Pension and Gratuity Fund (PGF) sa taong 2024, kung saan pwede i-charge ang requests for monetization of leave credits, ay substantially reduced kumpara sa mga nakaraang taon.
Kaya naman, priority sa paggamit ng PGF ang pagbayad sa Retirement Gratuity/Terminal Leave (RG/TL) Benefits at Pension. Bagamat pwede pa rin magrequest na i-monetize ang leave credits, limited lamang ito sa extraordinary circumstances, e.g., for medical emergencies and calamity-related concerns ayun sa Circular.
Ang request for monetization of leave credits ay maaaring i-charge sa available Personnel Services (PS) allotments ng agencies mula sa kanilang built-in appropriations, pagkatapos mabayaran ang RG/TL ng kanilang retirees.
Paano i-compute ang Monetization of Leave Credits?
Sa article na ito, tinalakay namin sa pamamagitan ng isang halimbawa kung paano i-compute ang monetary value ng leave credits.
Taxable ba ang Monetized Value ng Leave Credits?
Hindi taxable ang monetized value ng leave credit ng government employees. Kabilang kasi ito sa mga De Minimis Benefits nila na exempt sa tax.
Depende sa kinabibilangang opisina, ang bawat kawani ng gobyerno ay maaaring makapagpa-monetize ng kanilang naipong leave credits, subject sa availability of funds at sa umiiral na mga polisiya ukol dito.