Guidelines on the Implementation of Increased RATA Rates for 2024

Mag-i-issue ba ang DBM ng guidelines para sa implementation ng bagong RATA rates para sa taong 2024?

Maaaring tanong mo din ito, at maaring hesitant ka mag-release ng Representation Allowance (RA) At Transportation Allowance (TA) based sa bagong rates na nakasaad sa General Provisions ng General Appropriations Act (GAA) ng 2024 dahil wala pang guidelines na in-issue ang DBM ukol dito.

https://gabotaf.com/2024/01/03/guidelines-on-the-grant-of-rata-for-cy-2024/?amp=1#:~:text=Good%20news!,to%20up%20to%20₱3%2C000.00!

Sa aming palagay, hindi na maglalabas ang DBM ng bagong Circular ukol sa RATA dahil lamang sa pagbabago sa rates nito ngayong 2024. Maliban kung magkakaroon ng mga bagong policies ukol sa grant nito, dito maaari pang maglabas ng bagong guidelines ang DBM.

Ngunit, ayun sa General Provisions ng GAA para sa taong 2024, ang RATA ay ibibigay sa mga government officials na entitled dito, subject to the following, among others:

Section 64(d) — The pertinent provisions of National Budget Circular No. 548 and Local Budget Circular No. 103, both dated May 15, 2013, and such other guidelines issued by the DBM.

Ibig sabihin, ang mga nasabing guidelines pa rin ang gagamitin para i-implement ang RATA sa taong 2024.

Accordingly, Item 5.1 of NBC 548 states that:

Item 5.1 — The authorized monthly rates for each type of allowance shall be as prescribed under the pertinent General Provision of the annual GAA.

Ang ibig sabihin ng “shall be as prescribed under the pertinent General Provision of the annual GAA” ay kung ano daw ang nakasaad sa annual GAA na rates ng RATA ay ito daw ang gagamitin na rates.

Alam kasi ng DBM na pwedeng magbago ang rates ng RATA sa mga susunod na taon kaya naman naglagay ito ng ganitong provision para hindi na nito kailangan mag issue ng panibagong Circular every time na magbabago ang rates ng RATA.

Ang mga RATA rates na nakasaad sa NBC 548 noong 2013 ay ayun lamang sa Section 45 ng 2013 GAA. Ang mga rates na ito ay hindi nagbago mula ng taon na yun hanggang 2023. Kaya naman, simula 2024, ang RATA rates na nakasaad sa Section 64 ng 2024 GAA ang susundin ngayong taon.

Anuman ang nakalagay na RATA rates sa susunod na mga taon sa pertinent General Provision ng GAA ay yun ang susundin na rates sa taon na yun.

Sa Local Government Units naman, ang sabi sa General Provisions ng GAA para sa 2024 ay ganito:

Section 64(b) — Representation and transportation allowance of local government officials who are equivalent to the foregoing officials, as determined by the DBM, shall be at the same percentages of the salary rates authorized for their corresponding income classification in accordance with Section 10 of R.A. No. 6758 and subject to the Personnel Services limitations under Section 325(a) of R.A. No. 7160.

Ukol dito, nakalagay sa Annex A ng LBC No. 103 ang Equivalent Ranks ng LGU positions sa National Government Agency positions na entitled sa RATA.

Samantala nakasaad naman sa Annex B ng LBC No. 103 ang maximum percentage ng RATA na maaaring makuha ng isang LGU official based sa income classification ng LGU.

Ibig sabihin, kung magbago ang RATA rates ng National Government positions, tulad ngayong 2024, magbabago din ang RATA rates ng equivalent position sa LGU.

Gayunpaman, ang pag-grant ng RATA sa LGU ay subject sa PS limitation at availability of funds. In case kulang ang pondo, maaari itong ibigay at a uniform percentage for all positions within the LGU.

Ngunit mas mainam pa din na tanungin mismo sa DBM kung mag-issue ba ito ng panibagong Circular ukol sa bagong rates ng RATA simula sa taong ito.

Leave Us a Message

Kung meron kayong katanungan o gustong linawin ukol sa article na ito, maaari kayong magiwan ng comment sa ibaba.

About

Government Accountants, Budget Officers, Treasurers and Auditors’ Forum