LOOK: Presidente Bongbong Marcos pinagiisipang magbigay ng ₱20,000 na SRI ngayong 2023

“Lahat ng mga Pilipino ngayon, naghihirap. So, kung ano ‘yung maitulong natin, gagawin natin”

President Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.

Yan anya ang naging pahayag ng Pangulong Marcos sa isang panayam sa kanya sa isang ambush interview sa Taguig City.

Anya ng Pangulo, ikinokonsidera ng Malacañang ang pagbibigay ng ₱20,000.00 na Service Recognition Incentive ngayong taon (2023) sa mga qualified na empleyado ng Executive Branch. Matatandaan na inaprubahan din ng Pangulo ang pagbibigay ng SRI noong nakaraang taon (2022).

“So, we’ll see if we can — if it is actually viable, if it is financially feasible to give,”

President Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.

Ayun pa sa Pangulo, kailangan maghintay muna ng kaunti pa hanggang Disyembre ng taon upang makita kung kaya ba ng gobyerno ibigay ang SRI ngayong 2023. Ito din ang nangyari ng mga nakaraang nagdaang taon, kahit pa noong panahon ng dating Pangulong Duterte.

Regularly visit gabotaf.com to get the latest update on the grant of SRI for 2023. 

Source: Inquirer.net, Bongbong Marcos mulls giving P 20k incentive to gov’t workers

About

Government Accountants, Budget Officers, Treasurers and Auditors’ Forum