Mayroon Bang SRI ngayong 2023?
Maaring tanong mo din ito. Meron bang matatanggap na Service Recognition Incentive (SRI) ang government employees ngayong 2023?
Noong 2019 unang ibinigay ang SRI sa government employees by virtue of Administrative Order (AO) No. 19, sa halagang ₱10,000.00 per qualified employee. Sinundan ito ng SRI sa 2020 sa ganun ding halaga by virtue of AO 37, ganun din sa SRI ng 2021 by virtue of AO 45, at naging ₱20,000.00 naman ang SRI noong 2022 by virtue of AO No. 1.
Ang tanong ng marami ngayon, magkakaroon din ba ang government employees ng SRI ngayong 2023 katulad ng mga nakaraang limang (5) taon?
Kung susuriin natin, ang lahat ng Administrative Orders for the grant of SRI mula 2019 hanggang 2021 ay nilagdaan ng dating pangulong Duterte at ang SRI naman ng 2022 ay in-authorized ng Pangulong Bongbong Marcos, all by virtue of their powers vested in them by law as the President of the Philippines. At lahat ng AOs na ito ay nilagdaan ng December ng mga taon na ibinigay ang SRI.
Ngayong 2023, may SRI din ba ang government employees? Yes, kung aaprubahan ulit ito ng Pangulong Marcos. Ayun sa batas, mayroong kapangyarihan ang Pangulo na magbigay ng karagdagang benepisyo sa mga empleyado ng gobyerno.
Gayundin, para ibigay ang SRI ngayong 2023, dapat may sapat na pondo para dito. Hindi katulad ng CNA Incentives na purely MOOE ang pwedeng pagkuhanan ng pondo, ang SRI ay pwedeng kunin sa budget ng Personnel Services at kapag kulang ay pwedeng kunin sa MOOE, base sa mga nakaraang guidelines para dito.
Nobyembre pa lang ng taon, so hindi pa natin alam sa ngayon kung meron bang SRI na ibibigay. Based on previous years, towards the end of the year inilalabas ng Office of the President ang AO para sa grant ng SRI, at para maimplement ito, maglalabas naman ang DBM ng guidelines para dito. Kaya walang pwedeng gawin sa ngayon kundi maghintay muna. Manalangin na sana ibigay ulit ang SRI ngayong taong ito.