From ₱500 to ₱7,000 Medical Allowance for Teachers, Government Workers

Makatatanggap ng medical allowance sa halagang ₱7,000.00 per year ang lahat ng kawani ng national government, kasama na ang public school teachers, simula 2025 ayun sa Department of Budget and Management (DBM).
“Yung tinatawag po nating medical allowance, bago po ‘yan. It will start next year po. Dati, sa executive po, wala po kaming HMO (health maintenance organization). Wala po kaming medical allowance. Uniform po na matatanggap ang medical allowance, P7,000. Lahat po [kasama], pati po ang ating mga teachers“
DBM Secretary Amenah F. Pangandaman
Ayun sa DBM, sa kasalukuyan ay nasa ₱500.00 lamang ang medical allowance ng mga pampublikong guro at ito ay nakapaloob sa kanilang Teaching Allowance (formerly called as Cash Allowance).
“Ang alam ko po ngayon ang nare-receive nila [DepEd Teachers] for the longest time is just P500. So, kahit papaano po nakatulong,“
DBM Secretary Amenah F. Pangandaman
Ang naturang bagong benepisyo ng mga kawani ng gobyerno ay sang ayon sa Executive Order No. 64, s. 2024 na pinirmahan kamakailan ng Pangulong Marcos Jr.
Ayun sa nasabing EO, ang mga kawani ng gobyerno ay makatatanggap ng salary increase simula 2024 hanggang 2027 at gayundin ng ₱7,000.00 na annual medical allowance.
Inanunsyo din ng DBM na maliban sa nasabing bagong allowance, naglaan din ito ng budget sa 2025 para sa Teaching Allowance, Compensation for Teaching Overload, Special Hardship Allowance, at World Teachers’ Day Incentive