Forum — Sino ba dapat gumawa ng PAYROLL and REMITTANCES sa LGU?

Question:

Hello GABOTAF, good afternoon!

Magtatanong lang po sa practice ninyo lalo na po sa LGUs, if Accounting Department po ang taga gawa ng payroll.

Sino po ang dapat na taga gawa na ng remittances para sa government mandated benefits (GSIS, Philhealth and HDMF), including po ung pag upload ng data online for the payment?

And sino po dapat ang magbayad online?

May circular or manual po ba para dito? (sa tamang division of labor para naman po hindi accounting department ang taga gawa ng lahat ng work 😁)

Thank you po sa sasagot.

Featured Comments:

[Sa LGU namin] Accounting and Treasury. Pag marami na employees, dapat may payroll officer na para concentrated sya sa payroll related matters.

S. Dulawan

Sa Accounting din sa amin. Pero may separate department na HR. Kaso kami pa din. Kami gumagawa payroll pati remittances. Yan yong matagal ko ng complain. Wala naman sa LGC na kasama ang payroll na gagawin natin kundi individual Subsidiary Ledger ng employees.

W. Bongar

Between HR and Accounting yan.

M. Marcus

View More Responses here >>>

About

Government Accountants, Budget Officers, Treasurers and Auditors’ Forum