Di Na Kailangan ng COA ang Resibo?
Kadalasan ang resibo, official receipt o sales invoice o kagaya nito, ang unang hinahanap upang patunayan na totoo ang paggastos sa pera ng gobyerbo.
Ito naman kasi talaga ang ibinibigay sa anumang tindahan kapalit ang pera na ibinayad sa mga ito.
Pero sa public finance, hindi sa lahat ng pagkakataon kailangan ito sapagkat may mga gastusin na hindi na kailangan mag-sumite ng resibo sa Commission on Audit (COA).
Noong 2017, pinayagan ng COA, sa pamamagitan ng COA Circular No. 2017-001, na hindi na kailangan ang official receipt para sa official at authorized expenses ng kawani ng gobyerno basta nagkakahalaga ito ng ₱300.00 pababa.
Layunin kasi ng nasabing Circular na padaliin ang proseso sa reimbursement ng expenses ng mga kawani ng gobyerno dahil na rin sa pagbaba ng purchasing power ng piso anya ng Komisyon.
Gayunpaman, hindi exempt sa pagbibigay ng resibo mula sa mga sumusunod na expenses sapagkat pwede naman makakuha ng official receipt para dito:
- Payment of fares in public utility vehicles issuing receipts such as bus, train, vessel/ship; and
- Purchases in business establishments issuing receipts.
Samakatuwid, kapag ang produkto o serbisyo ay binili sa isang tindahan na hindi obligado ng Bureau of Internal Revenue (BIR) na magbigay ng resibo, at ang halaga nito ay ₱300.00 pababa, hindi na kailangan ang resibo. Instead, kailangan lamang magbigay ang empleyado ng Certificate of Expenses Not Requiring Receipt upang mabayaran (ma-reimburse) ito ng gobyerno.
Bagamat Certification lamang ang hinihingi ng COA, ang empleyado na gagamit nito ay maaring makasuhan kung ito ay nagsisinungaling sa kanyang Certification sapagkat nakasaad dito na:
I hereby certify that the above expenses are incurred as they are necessary for the above cited purpose, that above goods and services were acquired from parties not issuing receipts. And that I am fully aware that wilful falsification of statements is punishable by law (emphasis supplied)
Source: Commission on Audit, COA Circular No. 2017-001