DBM Releases Guidelines to Implement the First Tranche Salary Increase of Government Employees for FY 2024

DBM Releases Guidelines to Implement the First Tranche Salary Increase of Government Employees for FY 2024

Inilabas na ngayong araw ng Department of Budget and Management (DBM) ang pinakaaabangang guidelines sa pagpapatupad ng 1st Tranche Salary Increase sa ilalim ng Executive Order No. 64 na nilagdaan ng Pangulong Marcos Jr.

Nilalayun ng National Budget Circular No. 594 at Local Budget Circular No. 160 na magbigay ng guidelines ukol sa pagpapatupad ng EO No. 64, s. 2024.

Sinong entitled sa First Tranche Salary Increase ayun sa NBC 594 at LBC 160?

Ang mga sibilyan na empleyado ng mga sumusunod na opisina o sangay ng gobyerno, whether regular, casual, or contractual; appointive or elective; and on full-time or part-time basis; ay entitled sa First Tranche Salary Increase:

  • Executive Branch
  • Legislative Branch
  • Judicial Branch
  • Constitutional Commissions and other Constitutional Offices
  • State Universities and Colleges
  • Government-Owned and Controlled Corporations (not covered by RA 10149 and EO 150, s. 2021)
  • All positions for salaried LGU personnel
  • All positions for barangay personnel which are paid monthly honoraria

Samantala, ang NBC 594 at LBC 160 ay hindi aplikable sa mga sumusunod na empleyado/trabahador ng gobyerno:

  • Military and uniformed personnel
  • Employees of government agencies that are exempt from RA 6758, as amended
  • Employees of GOCCs under RA 10149 and EO No. 150, s. 2021
  • Individuals without employer-employee relationship.

Kailan Epektibo ang First Tranche Salary Increase?

Sa national government, ang First Tranche Salary Increase ay epektibo simula January 1, 2024. Matatandaan na sinabi ng DBM na ang pagpapatupad ng salary adjustment ay retroactive. Ibig sabihin, bagamat nitong Agosto 2024 lamang lumabas ang EO at implementing guidelines para dito, ipapatupad pa din ito simula January 1, 2024.

Samantala, iba ito sa local government units (LGUs) sapagkat ito ay epektibo not earlier than August 2, 2024, pursuant to Section 325(g) of the Local Government Code (LGC). Ayun sa nasabing probisyon ng LGC, salary increases or adjustments shall in no case be made retroactive.

Samakatuwid, ang implementasyon ng nasabing salary increase sa LGU ayun sa LBC 160 shall be on the date of the approval of the appropriation ordinance authorizing the supplemental budget or augmentation or on the date fixed therein pursuant to Section 320 of the LGC.

Procedural Guidelines on Adjusting Salary of Government Employees

Ang mga nasabing Circulars ay nagtakda din ng procedural guidelines kung paano ang tamang pag-adjust sa sahod ng mga kawani ng gobyerno katulad ng pagsunod sa ibinigay na Salary Schedules at ang requirement para sa paggawa ng Notice of Salary Adjustment (NOSA). Ang NOSA ay kailangan bago bayaran ang bagong salary adjustment.

Makikita sa Salary Schedules ang bagong buwanang sahod ng bawat kawani ng gobyerno depende sa Salary Grade at Step; simula Salary Grade 1 hanggang Salary Grade 33. Ang bawat salary grade naman ay may salary step mula Step 1 hanggang Step 8, maliban sa sa Salary Grade 33 na para sa Pangulo ng Pilipinas na may dalawang salary steps lamang.

https://gabotaf.com/2024/08/05/which-salary-grade-got-the-biggest-cut-in-the-salary-increase-for-fy-2024/

Saang Pondo Kukunin ang Pambayad sa Salary Increase?

Sa national government, ang 1st Tranche salary increase ay maaaring i-charge sa mga sumusunod na pondo:

  • Miscellaneous Personnel Benefits Fund; and
  • Any available appropriations under RA 11975 of the 2024 General Appropriations Act
  • Lumpsum Appropriations for non-itemized positions – applicable for casual and contractual personnel in NGAs

Sa GOCCs, ang salary increase ay charged sa kanilang Corporate Operating Budget.

Sa LGUs, ang nasabing salary adjustment ay charged exclusively sa LGU funds (through a supplemental budget), subject to PS limitations.

Release of Funds to cover the Salary Increase

Ayun sa Circular, maglalabas ng pondo ang DBM sa pamamagitan ng Special Allotment Release Order (SARO) at Notice of Cash Allocation upang pondohan ang full year requirements para sa 1st Tranche Salary Increase sa national government.

Sa LGUs at GOCCs naman, kukunin ito sa kani kanilang mga budget o pondo.

Next to Read (Recommended)

https://gabotaf.com/2024/08/04/saan-aabot-ang-salary-increase-mo/
About

Government Accountants, Budget Officers, Treasurers and Auditors’ Forum