LOOK: DBM Naglabas ng Guidelines para sa Grant ng ₱30,000 CNA Incentives para sa 2023
Magandang balita para sa lahat ng empleyado ng gobyerno!
Naglabas na ng guidelines ang Department of Budget and Management (DBM) para sa grant ng Collective Negotiation Agreement (CNA) Incentives (CNAI) para sa taong 2023.
Totoong ito ay magandang balita sapagkat ngayon ang CNAI ay ₱30,000.00 na kumpara sa mga nagdaang taon na ₱25,000.00. Ito ay karagdagang ₱5,000.00 na incentive para sa mga qualified na government employees.
Para maging qualified sa CNA Incentives para sa taong 2023, kailangan masunod ang mga conditions na nakasaad sa Budget Circular No. 2023-1 na inilabas ng DBM.
Ang CNAI ay maaring ibigay sa management at rank-and-file employees na qualified sa grant bilang recognition sa kanilang ambag sa pag-accomplish ng performance targets ng kanilang opisina at a lesser cost.
Ang CNAI ay maaring ibigay sa mga qualified na empleyado ng national government, kasama ang Constutional Offices at State Universities and Colleges (SUCs), government owned and controlled corporations (GOCCs), local water districts (LWDs) at local government units (LGUs), subject sa availability of funds at mga conditions sa na nakasaad sa bagong guidelines ng CNAI para sa taong 2023.
Ang CNA incentive ay maaaring bayaran not earlier than December 15, 2023 pero di lalagpas ng December 31, 2023.
Para sa karagdagang details ng grant ng CNAI para sa taong 2023, idownload ang Budget Circular No. 2023-1 sa website ng DBM.
Kung may katanungan kayo ukol sa guidelines, maaring mag-iwan kayo ng mensahe sa aming website sa comments section sa ibaba.