COA and DBM Extend anew the Contract Period for Job Order (JO) and Contract of Service Workers (COS) in the Government
In-extend muli ng Department of Budget and Management (DBM) at Commission on Audit (COA) ang transition period na nakasaad sa Section 11.1 ng COA-DBM Joint Circular No. No. 2, series of 2020 (Updated Rules and Regulations Governing Contract of Service (COS) and Job Order (JO) Workers in the Government) upang bigyan muli ang mga ahensya ng gobyerno ng mas mahabang panahon to reassess their organizational and staffing requirements vis-a-vis their existing manpower complement, as well as give them ample time to’comply with the prescribed rules and regulations on the engagement of the services of the COS/JO workers ayun sa bagong Joint Circular na nilagdaan ng COA at DBM noong July 19, 2024. [1]
Nakasaad kasi sa nasabing seksyon ng DBM-COA Joint Circular No. 2, s. 2020, na maaaring kumuha ang mga ahensya ng gobyerno ng mga JO at COS workers at i-renew ang mga kontrata ng mga bago at dati ng JO at COS hanggang December 31, 2022.
Pagkatapos ng nasabing transition period, in-extend muli ito hanggang December 31, 2024 sa pamamagitan ng COA-DBM Joint Circular No. 2, series of 2022.
Sa bisa ng utos ng Pangulong Marcos Jr., in-extend muli ang transition period hanggang December 31, 2025 ito ay upang bigyan muli ang mga ahensya ng gobyerno to revisit their respective staffing requirements vis-a-vis their organizational structure and mandate as well as implement the revised rules on the engagement of COS and JO workers. [2]
Pagkatapos ng nasabing extension ng transition period, inaasahan na tutuparin na ng mga ahensya ng gobyerno ang mga probisyon na nakasaad sa COA-DBM Joint Circular No. 2, s. of 2020 at gayundin ng mga susunod pang polisiya ukol sa COS at JO workers sa gobyerno.
Ayun sa datos ng DBM, mayroong 832,812 JO at COS workers ang gobyerno as of June 30, 2023. Ang mga local government units (LGUs) ang may pinakamaraming JO at COS workers na nasa humigit kumulang 580,000 at sinundan ito ng national government na nasa humigit kumulang 217,000. [3]