Bagong Pilipinas, Bagong Logo: BIR bares new symbol
Pagkatapos ng animnapung (60) taon, nagpalit na ng bagong logo ang Bureau of Internal Revenue (BIR) sa pamamagitan ng isang Logo Design Contest na kung saan nakapaguwi ang mga nanalo ng kabuuang ₱175,000.00 na premyo.
Ang bagong logo ay nagtataglay ng Agila ng Pilipinas (Philippine Eagle) na sumisimbolo sa “determination and resilience” ng BIR. Ang matalim na mga mata ng agila ay sumisimbolo sa metikolosong pagpapatupad ng BIR ng mga batas ukol sa buwis.
Ang tatlong bituin sa bagong logo ay sumisimbolo sa paninindigan ng BIR na magbigay serbisyo sa buong bansa: sa Luzon, Visayas at Mindanao.
Ang sinag naman ng araw sa logo ay sumisimbolo sa pagnanais ng BIR na gabayan ang buong bansa tungo sa kasaganaan sa pamamagitan ng patas at malinaw na pagpapatupad ng mga batas sa buwis.
Sumisimbolo naman sa pagkakaisa ng bawat kawani ng BIR at pakikipagugnayan sa lahat ng stakeholders ang waring kamay o braso sa gitna ng logo tungo sa matatag at progresibong bansa.
Samantala, ang kulay asul, dilaw, pula at puti na ginamit sa logo ay sumisimbolo sa pagmamahal ng BIR sa ating bansa.
Makikita sa Facebook post na ito ng Department of Finance ang pagsasapubliko ng bagong logo ng BIR.
Nasa ibaba naman ang larawan ng bagong logo ng BIR.
Source: Bilyonaryo.com, Department of Finance, Inquirer.net