Apat (4) na “Monetary Differentials” Dahil sa Salary Increase
Noong August 2, 2024, inilabas ng Malacañang ang pinirmahang Executive Order ng Pangulo upang itaas ang sahod ng mga kawani ng gobyerno.
Ayun sa EO, ito ay magiging epektibo simula January 1, 2024 bagamat ngayong buwan ng Agosto 2024 lamang ito nilagdaan.
Kaya naman, kung ang salary increase ay ipapatupad retroactively effective January 1, 2024, magkakaroon ng salary/bonus differentials na makukuha ang bawat kawani ng gobyerno sa taong 2024 o 2025, depende kung kailan ire-release ang unang salary adjustment.
Apat (4) na Monetary Differentials na Pwedeng Makuha ng Government Employees dahil sa Salary Increase
Magkakaroon ng apat (4) na differentials o adjustments sa monetary benefits ang bawat kawani ng gobyerno sa oras na ipatupad ang 1st Tranche Salary Increase at ito ay ang mga sumusunod:
1. Salary Differential
Nagkakaroon ng salary differential ang isang government employee dahil sa pagtaas ng sahod nito dahil sa: salary adjustment o promotion.
Salary differential is the amount paid to the employee when the actual amount they receive is less than what they are entitled to. [1]
Ang salary differential ang unang maaaring matanggap ng mga kawani ng gobyerno sa oras na ipatupad ang 1st Tranche salary increase ngayong taon. Ito ay ang difference ng 4th Tranche Salary Increase noong 2023 at ang 1st Tranche Salary Increase ngayong 2024.
Halimbawa, kung ang sahod ng empleyado ay ₱27,000.00 noong 2023 at ang adjusted na sahod effective 2024 ay ₱28,512, ang salary differential ay ₱1,512.00 kada buwan. I-multiply ito sa kung ilang buwan bago ipatupad ang unang salary adjustment para makuha ang total salary differential.
Example: ₱1,512.12 x 12 months = ₱18,144.00
Kung ang 1st Tranche Salary Increase ay effective January 1, 2024, ang salary differential ay mula January 1, 2024 hanggang kung kailan unang ipapatupad ang 1st Tranche Salary Increase ngayong taon.
Kung ito naman ay ipapatupad simula taong 2025, maaari itong ibigay in full sa unang buwan ng taong 2025, o kasabay ng bawat buwan na sahod kasama ang 2nd Tranche salary increase.
2. Mid Year Bonus Differential
Ang pangalawang differential na maaaring matanggap ng mga kawani ng gobyerno sa oras na ipatupad ang 1st Tranche Salary Increase ngayong taon ay ang Mid Year Bonus Differential.
Ang Mid Year Bonus Differential ay ang difference ng Mid Year Bonus na based sa 2023 na salary schedule at ang 2024 na salary schedule.
Based sa guidelines, ang basis ng Mid Year Bonus ay “one-month basic salary as of May 15 of the current year.” Ibig sabihin, kung ang 1st Tranche Salary Increase ay effective January 1, 2024, dapat dito ibinase ang Mid Year Bonus ngayong 2024.
Sa ating ibinigay na halimbawa sa taas, ang Mid Year Bonus Differential ng empleyado ay ₱1,512.00, gross of tax.
Basahin ang article na nasa ibaba para sa karagdagang impormasyon at kondisyon upang makatanggap ng Mid Year Bonus differential.
3. Year End Bonus Differential
Ang ikatlong differential na makukuha ng mga kawani ng gobyerno sa oras na ipatupad ang 1st Tranche Salary Increase ay ang Year End Bonus Differential.
Gayunpaman, magkakaroon lamang nito kung ipatutupad ang 1st Tranche salary adjustment sa taong 2025 (na dapat ipatupad sa taong 2024) sapagkat ang Year End Bonus ay ibinibigay “not earlier than November 15 of the current year” at based sa “one month basic salary as of October 31 of the current year.”
Ibig sabihin, kung ipapatupad ang 1st Tranche Salary Increase bago ang October 31, ang Year End Bonus ay adjusted na; samakatuwid, wala ng Year End Bonus Differential.
Ngunit kung ipapatupad ito pagkatapos ng October 31, magkakaroon ng Year End Bonus ang government employee.
Basahin ang article na ito para sa karagdagang detalye at mga kondisyon para makatanggap ng Year End Bonus.
4. Other Bonus Differentials
Maaari ding magkaroon ng iba pang differenials sa mga bonuses, allowances and incentives na naka-base ang rates sa basic salary ng government employee sa oras na ipatupad ang 1st Tranche Salary Increase.
Ang isang halimbawa nito ay kung nagkaroon ng monetization of leave credits o payment of terminal leave benefits ang isang empleyado bago ipatupad ang 1st Tranche Salary Increase.
Maaring makakuha ng adjustment ang isang empleyado mula rito sapagkat ang computation ng mga ito ay base sa basic salary kung kailan ito babayaran.