An Act Providing for the Magna Carta Benefits of Government Accountants
Nitong buwan ng Pebrero 2024, inihain ni Senator Bong Go ang Senate Bill No. 2538 na may pamagat na “An Act Providing for the Magna Carta Benefits of Government Accountants”.
Ayun kay Senator Bong Go, layunin ng naturang Bill “na magkaroon ng malinaw na karapatan at resposibilidad ang mga accountant na parte ng public sector, lalung-lalo na at malaki ang kanilang kontribusyon sa pagkakaroon ng good governance.”
Nais paigtingin ni Senator Go ang roles ng government accountants sa strategic financial management, risk assessment, at paniniguro na ang pondo ng bayan ay nagagamit ng tapat at para sa kapakanan ng mamamayan.
Nilalayun ng Magna Carta na mabigyan ng additional compensation and incentives ang mga government accountants tulad ng subsistence allowance, longevity pay, laundry allowance, remote assignment allowance, medical examination and compensation for injuries.
Dagdag pa ng Senate Bill na ang mga government accountants ay maari din bigyan ng honorarium bilang sila ay withholding, collecting, and remitting officer sa BIR, GSIS, etc.
Layunin din ng nasabing Magna Carta of Government Accountants, na i-define at i-safeguard ang mga karapatan ng bawat government accountants na nangangalaga at nagsisiguro ng financial integrity ng government operations.
Sa pamamagitan ng pagbibigay ng malinaw na listahan ng karapatan at responsibilidad ng bawat government accountant, nais i-empower ng nasabing Magna Carta ang bawat government accountant na dalhin ang kanilang tungkulin sa gobyerno with due diligence, independence and adherence to the highest ethical standards.
Mababasa ang buong Senate Bill sa link na nasa ibaba:
Download: Senate Bill No. 2538 — An Act Providing for the Magna Carta Benefits of Government Accountants