9 Sources of Funds: Saan Pwede Kunin ang Pambayad sa CNA Incentives ngayong 2023?
Naglabas na ang Department of Budget and Management (DBM) ng guidelines para sa grant ng Collective Negotiation Agreement (CNA) incentives ngayong 2023.
Ang CNA Incentives ngayong taong ito ay mas mataas ng ₱5,000.00 kumpara sa nakaraang taon. Ang CNA Incentives ngayong 2023 ay maaring umabot sa ₱30,000.00 (maximum), mula sa ₱25,000.00 ng nakaraang mga taon.
Kaya naman, katulad sa mga nakaraang taon, isinaad din ng DBM sa inilabas nitong guidelines ang mga sources of funds na kung saan pwede kunin ang pambayad sa CNA incentives ngayong 2023. Ito ay ang mga sumusunod:
9 Allowable MOOE items (sources) for the grant of CNA Incentives
- Communication Expenses
- Repairs and Maintenance Expenses
- Supplies and Materials Expenses
- Transportation and Delivery Expenses
- Traveling Expenses
- Utility Expenses
- Printing and Publication Expenses
- Advertising Expenses
- Subscription Expenses
Para malinaw…
Taon-taon, ang bawat government agency ay may nakalaang budget para sa mga nabanggit na expenditures. Upang magamit ang nakalaang budget dito para mabayaran ang CNA incentives, kailangan masunod ang mga conditions na ito:
Una, dapat may available allotment pa sa mga expenditures na nabanggit pagkatapos i-consider ang requirements (bayarin) para sa mga expenses na ito ngayong taon. Halimbawa sa Communication Expenses, kung may sobra sa budget para dito, pagkatapos i-consider ang mga expenses para sa buong taon, pwede itong gamitin para bayaran ang CNA incentives ngayong taon;
Pangalawa, ang pagkakaroon ng sobrang allotment ay bunga ng cost-cutting and system improvement measures na isinagawa collectively ng management at mga personnel ng ahensya ng gobyerno; at
Pangatlo, ang pambayad CNA incentives ay maari lamang kunin (sourced solely) sa mga nabanggit na sources na ito. Ibig sabihin, hindi pwedeng gamitin ang budget para sa ibang gastusin tulad ng budget para sa Representation Expenses, Taxes and Licenses, Fidelity Bond Premium atbp.
Ang mga sources na ito ay applicable sa National Government agencies, local water districts, at local government units. Samantala, ang mga government owned and controlled corporations naman ay allowed kumuha sa total MOOE level under their respective DBM-approved corporate operating budget para sa taong 2023.
Ang mga nabanggit sa itaas ay isa lamang sa mga conditions para sa CNA incentives ngayong 2023. Para sa karagdagang details, i-download ang Budget Circular No. 2023-1 sa website ng DBM.