3 Paraan Para Lumaki ang Year End Bonus

3 Paraan Para Lumaki ang Year End Bonus

On November 15, government employees may once again receive their annual year end bonus and cash gift, provided they meet all the conditions set for the grant of the said bonus.

Magkaano ang year end bonus?

Ang year end bonus ay katumbas ng isang buwang sahod ng government employee as of October 31 ng kasalukuyang taon. Ibig sabihin, kapag ang basic salary ng government employee ay ₱50,000.00 as of October 31, ganito din ang matatanggap nyang halaga, net of applicable tax, not earlier than November 15.

Samantala, ang cash gift naman ay nagkakahalaga ng ₱5,000.00. Maaring ibigay, ayun sa guidelines, ang year end bonus at cash gift, provided ibigay ito not earlier than November 15.

[Read: What is the difference between basic pay and wage?]

Pwede bang tumaas o lumaki ang year end bonus?

Alam mo ba na pwedeng tumaas ang year end bonus ng isang government employee kumpara sa kanyang natanggap nung nakaraang taon?

Paano mapataas ang year end bonus?

May tatlong (3) paraan upang lumaki ang halaga ng year end bonus ng isang government employee kumpara sa kanyang year end bonus ng nakaraang taon.

Tandaan natin na ang year end bonus ay katumbas ng isang buwang sahod ng government employee as of October 31. Ibig sabihin, upang lumaki ang halaga ng year end bonus, kailangan ding lumaki ang halaga ng sahod bago mag-October 31.

Paano ito mangyayari?

Dapat Kang Ma-Promote sa Trabaho

Ang unang paraan upang tumaas ang halaga sahod bago mag-October 31 ay obvious — dapat kang ma-promote sa trabaho bago mag-October 31 ng kasalukuyang taon. Kapag na-promote ka, naturally lalaki din ang sahod mo. Kapag lumaki ang sahod mo bago mag-October 31, katumbas nito ang matatanggap mong year end bonus kapag binayaran ito.

The higher the position, the higher the salary.

Step Increment

Ang pangalawang paraan upang lumaki ang year end bonus, although hindi kalakihan ang pagtaas, ay through step increment.

What is Step Increment?

According to the Department of Budget and Management (DBM), Step Increment is the increase in salary of a government employee from step to step within the salary grade of a position (e.g., Salary Grade 1, Step 1 to Step 8, Salary Grade 2, Step 1 to Step 8 and so on).

There are two ways to increase the salary through step increment: 1) step increment due to meritorious performance; and 2) step increment due to length of service.

To increase salary through step increment due to meritorious performance, the government employee must attain a certain performance rating to be eligible.

On the other hand, to increase salary through step increment due to length of service, the government employee must be in the government for three years in the same position.

Alinman sa dalawang klase ng step increment, kapag natanggap ito bago mag October 31 ng kasalukuyang taon, ito ay maidadagdag sa buwang sagod at ito ang magiging katumbas na year end bonus na matatanggap ng government employee.

Salary Increase

Ang pangatlong paraan upang lumaki ang year end bonus ay sa pamamagitan ng salary increase.

Maaring lumaki ang halaga ng year end bonus, kumpara sa natanggap ng nakaraang taon, kapag magkakaroon ng salary increase sa kasalukuyang taon. Halimbawa, kung magkakaroon ng bagong salary increase sa 2024, provided maimplement ito bago mag-October 31, ito ang magiging halaga ng year end bonus na matatanggap not earlier than November 15.

https://gabotaf.com/2023/11/09/meron-bang-salary-increase-sa-2024-para-sa-government-employees/

Gayunpaman, kumpara sa una at pangalawang paraan, ang pangatlong paraan na ito ay nakasalalay sa pagkakaroon ng batas. Ibig sabihin, walang magagawang paraan ang isang government employee ukol dito kundi ang maghintay sa naturang batas at guidelines upang maimplement ito.

In Summary

Again, may tatlong paraan upang mapalaki ang halaga ng year end bonus, kumpara sa natanggap ng nakaraang taon. Una, pataasin ang sahod sa pamamagitan ng promotion sa mas mataas ng posisyon. Pangalawa, sa pamamagitan ng step increment. At pangatlo, sa pamamagitan ng salary increase.

May alam ka ba?

May alam ka pa bang ibang paraan upang mapataas ang matatanggap na year end bonus? Mag-iwan ka sa amin ng comment sa ibaba. We want to discuss this further with you.

About

Government Accountants, Budget Officers, Treasurers and Auditors’ Forum