Salary Increase ng Civilian, Military at Uniformed Personnel tuloy tuloy ayun sa DBM

Salary Increase ng Civilian, Military at Uniformed Personnel tuloy tuloy ayun sa DBM

Good News

Salary Increase ng Civilian Personnel at Military and Uniformed Personnel (MUP) nasa budget na ng bawat ahensya para sa 2026 ayun sa DBM.

Nilinaw ng Department of Budget and Management (DBM) na ang salary increases ng mga kasalukuyang kawani ng gobyerno, mapa-civilian employees man o uniformed personnel, ay nakapaloob na sa mga budget ng kani-kanilang ahensya.

Hindi katulad ng nakaraang taon na nakapaloob ito sa Miscellaneous Personnel Benefits Fund o MPBF na isang Special Purpose Fund, ngayon ito ay nasa budget na mismo ng mga ahensya.

Ang ibig sabihin nito ay maaari na agad itong gamitin upang maimplement ang salary increase sa mga kawani ng gobyerno, subject to budgeting, accounting and auditing rules and regulations.

Ayun pa sa DBM, Ang hakbang na ito ay bahagi ng patakaran ng pamahalaan na ilagay ang mga tiyak at regular na benepisyo sa mismong ahensyang nagpapatupad, upang mas diretso, mas mabilis, at mas malinaw ang paglalabas at paggamit ng pondo.

Samantala, ang posibleng maapektuhan lamang, kung mayroon man, ay ang mga bagong kukuning empleyado, at ito ay nakadepende pa rin sa bilis ng pag-fill up ng mga bakanteng posisyon.

Gayunpaman, ang pamahalaan ay may Special Purpose Funds, kabilang ang Miscellaneous Personnel Benefits Fund (MPBF) at ang Pension and Gratuity Fund (PGF), upang matiyak na may sapat na mekanismo para tugunan ang mga ganitong pangangailangan.