3 Months Tax Holiday para sa mga Manggagawang Pilipino: House Bill No. 6205 (20th Congress)

3 Months Tax Holiday para sa mga Manggagawang Pilipino: House Bill No. 6205 (20th Congress)

Good News sa mga Manggagawa — pribado man o kawani ng gobyerno

May isang Congressman sa 20th Congress na nagsusulong ngayon ng isang panukalang batas upang pansamantalang ibsan ang hirap ng mga manggagawa sa pagbabayad ng buwis pamamagitan ng isang tax holiday.

Ang tax holiday ay isang panahon na ibinibigay sa ilalim ng isang batas kung saan hindi muna kailangan magbayad ng buwis ang mga taxpayers.

Isinusulong ng KAMANGGAGAWA Partylist House Representative Elijah R. San Fernando ang House Bill No. 6205 o ang “Three-Month Tax Holiday Act of 2025.

Ano ang House Bill No. 6205?

Layunin ng House Bill No. 6205 na magbigay ng pansamantalang ginhawa sa mga manggagawang Pilipino sa pamamagitan ng tatlong buwang exemption sa buwis mula sa kanilang sahod.

  • Tatlong Buwang Tax Holiday: Lahat ng manggagawang kumikita ng sahod lamang ang hindi papatawan ng income tax sa loob ng tatlong buwan.

  • Saklaw ng Exemption: Tanging kita mula sa sahod ang sakop. Kung may ibang pinagkukunan ng kita, ang bahagi lamang na classified bilang compensation income ang exempted.

  • Tungkulin ng Employer: Hindi na kailangang mag-withhold o mag-remit ng buwis sa sahod sa loob ng tax holiday. Walang penalty sa employer o empleyado salamin loob ng tax holiday.
  • Non-Diminution Clause: Bawal bawasan, ipagpaliban, o i-withhold ng employer ang sahod, allowance, o benepisyo ng empleyado sa panahon ng tax holiday.

  • Authorized Deductions: Patuloy pa rin ang mandatory contributions sa GSIS, SSS, PhilHealth, at PAGIBIG.

Kailan Ito Magiging Epektibo?

Magsisimula ang tax holiday sa unang araw ng buwan kasunod ng bisa ng batas. Hindi ito retroactive—saklaw lamang ang kita sa loob ng mismong tatlong buwang tax holiday.

Kapag naging ganap na batas ang House Bill No. 6205, inaatasan ang BIR na maglabas ng Implementing Rules and Regulations (IRR) sa loob ng 15 araw mula sa bisa ng batas.

Gayunpaman, katulad ng ibang Bills bago ito naging batas, kailangan munang sumailalim sa ibat-ibang deliberasyon ang House Bill No. 6205 bago ito mahing isang ganap na batas.

Tunay itong isang magandang panukala at makakatulong ito sa mga manggagawa ngunit kailangan itong pag-aralan muna mabuti upang sa ganun ay makonsidera ang iba pang mga bagay katulad ng epekto nito sa gobyerno, ekonomiya at sa pangkalahatan.

Question?

Kung meron kayong katanungan ukol sa post na ito, magiwan lamang kayo ng komento sa ibaba at sasagutin namin ang mga ito sa lalong madaling panahon.