GSIS: Hatid na Tulong sa Miyembro at Pensioners — 0% Interest* na Emergency Loan
Good News!
Matindi ang pinsala at perwisyo na dulot ng magkasunod na bagyong Tino at Uwan na tumama sa ating bansa.
Ang bagyong Tino ay nanalasa sa maraming probinsya sa Visayas lalo na sa Cebu at ang bagyong Uwan naman ay halos sakop ang buong Pilipinas.
Madami sa mga government employees na miyembro at pensioners ng GSIS ang naapektuhan ang pamumuhay at ari-arian dahil sa mga malalakas na bagyong ito.
Ang biglaang gastos na ito para tustusan ang agarang expenses at pagpapaayos ng mga nasirang kagamitan at ari-arian ang problema ngayon ng marami sa ating mga kababayan, kabilang na ang mga government employees.
Kaya naman ang Government Service Insurance System (GSIS) ay nag-alok ng agarang tulong sa kanyang mga miyembro sa pamamagitan ng GSIS Emergency Loan.
Para kanino ang GSIS Emergency Loan?
Layun ng Emergency Loan na makapagbigay ng agarang tulong pinansyal sa mga miyembrong nasalanta ng bagyong Tino at Uwan.
Ano ang Features ng GSIS Emergency Loan?
Upang hindi na makadagdag sa problema ng mga miyembro at pensioners, ginawa ng GSIS ang kanilang Emergency Loan na 0% interest sa unang tatlong buwan at maguumpisa lamang ang pagbabayad pagkatapos ng tatlong (3) buwan (i.e., 3-months grace period). Wala din itong service fee.
Maaaring makautang o makahiram ang GSIS members at pensioners ng hanggang 36 months na Emergency Loan. Ito ay available sa buong bansa.
Paano mag-apply sa GSIS Emergency Loan?
Pinadali na din ng GSIS ang pag-apply sa Emergency Loan sa pamamagitan ng GSIS Touch mobile app na pwedeng i-download sa App Store para sa mga naka-IOS (iPhone) at sa Google Play Store naman para sa mga naka-Android.
• Download GSIS Touch (Android)
Maaari din magtungo sa pinaka-malapit na GSIS Branch kung hindi maka-apply via GSIS Touch mobile app.
Paano mag-apply ng Emergency Loan sa GSIS Touch mobile app?
Narito ang paraan upang makapag-apply ng Emergency Loan sa GSIS Touch mobile application:
- Mag-LOGIN. Buksan ang GSIS Touch at mag-log in sa iyong account.
- GO TO LOANS. Piliin ang Loans Menu, tap Available Loans, pagkatapos Emergency Loan, at i-view ang Tentative Computation.
- CONFIRM APPLICATION. Tap Confirm para magpatuloy sa pag-apply.
- AGREE + SELFIE. I-tap ang Agree sa
Terms and Conditions at mag-selfie para sa verification.
Gaano kabilis matanggap ang pera mula sa GSIS Emergency Loan?
Kapag na-approved ang inyong Emergency Loan, ito ay ipapasok sa inyong GSIS ATM account, 1-2 banking days pagkatapos na ito ay maaprubahan ng inyong Agency Authorized Officer o AAO.
Question?
Kung meron kayong katanungan ukol sa post na ito, mag-iwan lamang ng komento sa ibaba at sasagutin namin sa lalong madaling panahon.