Bonus ng COS/JO Workers sa Gobyerno
Year-End Bonus at Cash Gifts: Para Kanino?
Ayon sa DBM Budget Circular No. 2016-4, ang Year-End Bonus ay katumbas ng isang buwang basic salary at karaniwang ibinibigay tuwing Nobyembre, kasabay ng ₱5,000.00 na Cash Gift.
Gayunman, ito ay para lamang sa regular, casual, at contractual government employees na may employer-employee relationship sa gobyerno.
Sa kabilang banda, ang mga Contract of Service (COS) at Job Order (JO) workers ay hindi saklaw ng mga benepisyong ito. Ayon sa CSC-COA-DBM Joint Circular No. 1, s. 2017 at COA-DBM Joint Circular No. 2, s. 2020, ang COS at JO workers ay hindi itinuturing na government employees. Sila ay kinokonsiderang service providers na may kontrata sa ahensya, kaya hindi sila entitled sa bonuses, leave credits, at iba pang standard benefits na natatanggap ng mga kawani ng gobyerno.
Wait. Wag muna madismaya.
Ano ang maaring katumbas na benepisyo para sa COS/JO workers?
Hindi tumatanggap ng Year-End Bonus at Cash Gift ang Contract of Service (COS) at Job Order (JO) workers sa gobyerno, ngunit maaari silang bigyan ng up to 20% premium sa kanilang buwanang sahod. Gayunman, ito ay dapat malinaw na nakasaad o nakasulat sa kanilang kontrata.
ICYDK: In Case You Dont Know
Legal Basis ng ‘up to 20% Premium’ para sa COS/JO Workers
Nakasaad sa Item 11.5 ng COA-DBM Joint Circular No. 2, s. 2020 ang sumusunod na probisyon ukol sa 20% premium para sa COS/JO workers:
11.5 Services of individuals engaged through COS basis [xxx] and JO shall be paid wages equivalent to the daily wage/salary of comparable positions in government.
Subject to the availability of funds, the COS and JO workers may also be granted a premium of up to 20% of their respective wage/salary.
Ngunit dapat maunawaan na bagamat nakasaad ito sa Joint Circular, ito ay hindi obligadong ibigay ng ahensya kaya dapat ito ay malinaw na nakasaad o nakasulat sa kontrata.
Maaari din itong hindi ibigay ng buo sapagkat nakasaad sa guidelines na up to 20% premium, ibig sabihin maaaring mas mababa dito ang ibigay ng ahensya depende sa available na pondo nito para dito.
Ito din ay maaaring totally hindi ibigay kung talagang walang nakalaan na pondo para dito.
Paano maaaring magkaroon ng Year End Bonus ang mga COS/JO workers?
Bagamat ayun sa nasabi na sa itaas, wala talagang Year End Bonus ang mga COS/JO workers sa gobyerno, may paraan para makatanggap din ng Year End Bonus tuwing Nobyembre o Disyembre ng taon ang mga COS/JO worker. Paano?
Ayun din sa Item 11.5 ng COA-DBM Joint Circular No. 2, s. 2020, ang 20% premium ay maaaring bayaran sa mga sumusunod na paraan:
11.5 [xxx] The premium payment (i.e., up to 20% premium) may be paid monthly, in lump sum or in tranches (i.e., mid-year and year-end payments) as may be stated in the agreement or contract with the agency. [xxx]
Mapapansin sa probisyon na nasa itaas na kung magbibigay ng up to 20% premium ang ahensya ng COS/JO workers, maaari itong bayaran sa mga sumusunod na paraan:
- monthly — kasabay ng buwanang sahod
- in lump-sum — minsanang bayad depende sa napagusapan
- in tranches — maaring mid year o year end.
Sa aming palagay, sa dalawang paraan na nasa itaas (in lump-sum o in tranches) maaaring gamitin ng ahensya na pang Year End Bonus ang up to 20% premium na ibibigay sa COS/JO workers. Maaari itong hatiin bilang Mid Year Bonus at Year End Bonus o pwede ding minsanang bonus bago matapos ang taon.
Summary
Bagamat ang up to 20% premium ay hindi talaga maituturing na Year End Bonus, at ayun din sa guidelines hindi entitled ang mga COS/JO workers sa gobryerno dito, ang pagbibigay ng up to 20% premium ay mapagsumikapan sanang maibigay ng buo ng bawat ahensya upang sa ganun may matanggap din ang mga COS/JO workers tuwing magtatapos ang taon bilang pagkilala sa kanilang mahalagang ambag sa tagumpay ng gobyerno.
