Explained: Monetization of Leave Credits vs. Terminal Leave Benefits

Explained: Monetization of Leave Credits vs. Terminal Leave Benefits

Ano ang pagkakaiba ng Monetization of Leave Credits at Terminal Leave Benefits ng Government Employees?

Sa mundo ng serbisyo publiko, mahalagang maunawaan ng bawat kawani ng gobyerno ang mga benepisyong kaakibat ng kanilang leave credits.

Dalawa sa mga pangunahing konsepto na madalas na nalilito ay ang Monetization of Leave Credits at Terminal Leave Benefits.

Bagamat pareho silang tumutukoy sa pagbabayad ng naipong leave credits, magkaiba ang layunin, panahon ng aplikasyon, at mga kondisyon ng bawat isa.

Ano ang Monetization of Leave Credits?

Ang monetization of leave credits ay ang pagpapalit ng halaga ng naipon mong leave credits (tulad ng vacation o sick leave credits) sa pera (cash).

Ito ay tumutukoy sa pagbabayad ng leave credits ng isang empleyado habang siya ay aktibong nagsisilbi pa sa gobyerno. Layunin nitong bigyan ng karagdagang pinansyal na suporta ang empleyado sa mga pagkakataong kailangan niya ito.

Mga pangunahing katangian ng Monetization of Leave Credits:

  • Maaaring i-avail habang aktibo pa sa serbisyo, ngunit subject ito sa availability ng pondo.
  • Limitado lamang sa itinakdang bilang ng leave credits na pwedeng i-monetize ayun sa guidelines ng Civil Service Commission at Department of Budget and Management (DBM) at sa piling mga kadahilanan kung lalagpas sa itinakdang bilang (e.g. medical emergency, calamity, etc.).
  • Kailangan ng aprubadong request mula sa head of agency.
  • Batay sa formula na itinakda ng DBM. Parehas lamang ito sa formula na ginagamit sa pag-compute ng Terminal Leave Benefits. (see discussion below about the prescribed formula)

You May Be Interested to Know

Ano ang Terminal Leave Benefits?

Sa kabilang banda, ang Terminal Leave Benefits naman ay ibinabayad sa empleyado kapag siya ay tuluyan nang huminto sa serbisyo—maaaring dahil sa retirement, resignation, o separation.

Ang terminal leave benefits ay ang kabayaran sa cash ng isang empleyado para sa kanyang naipon at hindi nagamit na mga leave credits (tulad ng vacation at sick leave credits) na ibinibigay sa pagtatapos ng kanyang serbisyo sa pamamagitan ng pagreretiro, pagbibitiw, o paghihiwalay sa serbisyo.

Ito ay isang karapatan, lalo na sa mga empleyado ng gobyerno, na nagbibigay ng pinansyal na suporta at pagkilala sa kanilang mga taon ng serbisyo

Mga pangunahing katangian ng Terminal Leave Benefits:

  • Ibinibigay lamang kapag ang empleyado ay hindi na babalik sa serbisyo.
  • Kabuuang leave credits ang binabayaran. Ibig sabihin, lahat ng naipong vacation at sick leave credits ay babayaran ng gobyerno.
  • Isang beses lang ibinibigay, kasabay ng pagwawakas ng serbisyo.
  • Ito ay kino-compute batay sa formula na itinakda ng DBM, kagaya ng nasa ibaba: 
    • TLB = S × D × CF, kung saan:
      • S = Highest Monthly Salary Received
      • D = Number of accumulated vacation and sick leave credits
      • CF = Constant Factor which is 0.0481927

Better Choice: I-monetize o mag-ipon ng leave credits para sa Terminal Leave Benefits?

Mahalaga na maunawaan ang formula na nasa itaas sapagkat isa ito sa deciding factor kung mag-monetize ka na ngayon o mag-ipon na lamang para mas malaki ang halaga ng Terminal Leave Benefits kapag nag-retire or nag-resign sa serbisyo.

Kung ang isang empleyado ay may plano na magtagal sa serbisyo publiko at may potential itong umangat sa posisyon at lumaki ang sahod sa hinaharap, mas mainam na ipunin ang leave credits upang mas malaki ang halaga nito sa future, batay sa formula, kung ikukumpara sa kung ito ay i-monetize sa ngayon.

You May Want to Know

Taxable ba ang Monetized Leave Credits at Terminal Leave Benefits?

Kumpara din sa pribadong sektor, ang Terminal Leave Benefits at monetized leave credits ng mga kawani ng gobyerno ay hindi taxable, kahit gaano pa ito kadami. Makukuha ito ng buo na walang kaltas na buwis.

Konklusyon

Ang tamang kaalaman sa pagkakaiba ng Monetization at Terminal Leave Benefits ay mahalaga upang mapakinabangan ng mga kawani ng gobyerno ang kanilang leave credits nang naaayon sa batas.

Sa pamamagitan ng pag-unawa sa mga ito, mas makakapagplanong mabuti ang mga kawani ng gobyerno kung ang kanilang leave credits ay mas mainam na ipunin upang mas malaki ang magiging halaga ng kanilang Terminal Leave Benefits o i-monetize na lamang ito upang mapakinabangan sa ngayon.