Eligible ang DepED sa FY 2023 PBB, pero bakit hindi pa nila ito natatanggap?

Eligible ang DepED sa FY 2023 PBB, pero bakit hindi pa nila ito natatanggap?

Eligible ang DepED sa FY 2023 PBB, pero bakit hindi pa nila ito natatanggap?

[Sasabihin namin ang maaaring rason]

Ang Good News…

Noong Setyembre ng taong ito, nagdiwang ang mga personnel ng Department of Education (DepEd) sa balita mula sa Department of Budget and Management (DBM) na ang kanilang departamento ay eligible sa FY 2023 Performance-Based Bonus (PBB) na ang ibig sabihin nito ay makakatanggap sila ng bonus mula dito.

Ayun sa Press Release ng DBM, kinumpirma ni Secretary Amenah Pangandaman na matatanggap na ng mga empleyado ng Department of Education (DepEd), kasama ang mga guro ng mga public school, ang kanilang Performance-Based Bonus (PBB) para sa Fiscal Year 2023.

You May Like to Read:

Masaya po akong ibalita para sa ating mga kasamahan sa DepEd, lalo na sa ating mga guro, na matapos ang masusing deliberasyon, sila po ay napatunayang eligible para matanggap ang kanilang Performance-Based Bonus para sa taong 2023. Ito po ay alinsunod sa mandato ng ating Pangulong Bongbong Marcos na kilalain ang kanilang ambag, sipag, at dedikasyon upang itaguyod ang pagpapalakas ng sistema ng edukasyon sa ating bansa,”_ pahayag ni Sec Amenah Pangandaman.

Kung wala sila [ating mga guro], wala rin tayo, kaya dapat lang po na patuloy natin silang bigyan ng motivation at nararapat na benepisyo,” dagdag ni Sec. Amenah.

Ayun sa Kalihim, ang Technical Working Group para sa Executive Order No. 61 ay nakatakdang magpulong sa 30 September 2025 (tentative), para pormal na mag-isyu ng Resolusyon na nagdedeklarang karapat-dapat ang DepEd para makatanggap ng  FY 2023 PBB.

Ngayong buwan ng Oktubre, inanunyo ng DepEd na malapit ng matanggap ng mga guro at iba pang empleyado ng DepEd ang kanilang FY 2023 PBB matapos aprubahan ng DBM at Inter-Agency Task Force ang kanilang eligibility upang makatanggap ng FY 2023 PBB.

Ang DepEd ay nakakuha ng 80 points sa national performance assessment kaya naman makakatanggap ang bawat eligible na empleyado ng DepEd ng up to 52% ng kanilang basic salary bilang kanilang PBB sa taong 2023.

Rason kung bakit wala pang natatanggap ang DepEd personnel na FY 2023 PBB, despite their eligibility

Bagamat meron ng Resolution na nagdedeklara na eligible ang DepEd sa FY 2023 PBB, maaaring ang pondo para dito ay in-process pa rin hanggang ngayon kaya wala pa talagang natatanggap ang DepEd personnel na FY 2023 PBB.

Sinuri namin ang Listing ng Special Allotment Release Order (SARO) at Notice of Cash Allocation na nasa website ng DBM as of October 17, 2025 at hindi namin makita ang releases para sa FY 2023 PBB ng DepEd.

Makikita sa SARO at NCA Listing ang lahat ng pondo na na-released na ng DBM. Kapag may SARO na ibig sabihin ay pwede ng mag-obligate ang DepEd para sa PBB at kung may NCA naman ay pwede ng magproseso ang DepEd ng bayad para dito.

Ngunit sa ngayon, maaaring nasa proseso pa ang paggawa ng fund release documents para dito. Understandably, mahirap itong gawin sapagkat ang DepEd ang may pinakamaraming empleyado sa buong pamahalaan.

Ayun sa DepEd, makikipagugnayan ito sa DBM para sa mabilis na pagproseso ng SARO at NCA para dito.

Kapag natanggap na ng DepEd ang SARO at Advice of NCA Issued (ANCAI), meron pa itong pagdadaanan na proseso ng paggawa ng Disbursement Vouchers at Advice to Debit Account kaya medyo mahaba-haba pa siguro ang hihintayin ng mga DepEd personnel para dito.

Gayunpaman, ayun sa ulat, ang pondo (either SARO or NCA, or both) ay maire-release bago matapos ang taong 2025. Bisitahin lamang ang aming website upang mauna kayo sa update ukol sa bonus na ito.