Aprubado Na! PBB ng PNP para FY 2023

Aprubado Na! PBB ng PNP para FY 2023

Good News!

Good news para sa mahigit na 225,000 personnel ng Philippine National Police (PNP) sapagkat aprubado na ng Department of Budget and Management (DBM) ang ₱3.39 billion na pondo para sa kanilang FY 2023 Performance-Based Bonus (PBB)!

“Our police officers are among the pillars of our nation. They stand at the frontlines of peace and order every single day. We see their hard work and dedication, so we are making sure they receive what is rightfully due to them,” ani Secretary Amenah F. Pangandaman.

PBB Rates of PNP personnel for FY 2023

Ayun sa DBM, ang bawat kwalipikadong PNP personnel ay makatatanggap ng Performance-Based Bonus na katumbas ng 45.5% ng kanilang buwanang basic salary batay sa kanilang sahod noong Disyembre 31, 2023.

Ang pagbabayad ng FY 2023 PBB ng PNP ay batay sa Final Eligibility Assessment Report ng Administrative Order No. 25 Inter-Agency Task Force (AO25 IATF) na inilabas noong Setyembre 16, 2024. Ito ang patunay na kwalipikado ng PNP para sa bonus.

“Maliit na bagay lang ito kung ikukumpara sa dugo at pawis na ibinubuhos ng ating kapulisan araw-araw. Sa bawat pisong matatanggap nila, nandun ang pagkilala ng pamahalaan sa kanilang kabayanihan at tapat na paglilingkod sa bayan,” ani Pangandaman.

Question

Kung meron kayong katanungan sa post na ito. Magiwan kayo ng comment sa amin sa ibaba.