Apat (4) pang Bonus na maaaring matanggap ng Government Employees bago matapos ang taon
Bonuses bago matapos ang taon
Malapit ng matapos ang taon ngunit hindi pa nauubos ang mga bonuses na maaring matanggap ng bawat isang kawani ng gobyerno.
Sa post na ito, ibibigay namin ang apat pang natitirang bonus na maaring matanggap ng mga government employees bago matapos ang taon.
Ito na.
1 of 4: Year End Bonus (YEB)
Ang Year End Bonus ang isa sa apat na bonuses na maaring matanggap ng bawat kawani ng gobyerno. Ito ay katumbas ng kanilang isang buwang sahod as of October 31. Halimbawa, kung P50,000.00 ang buwanang sahod as of October 31, ito din ang maari nilang matanggap.
Ang bawat isang civilian personnel, regular/permanent, contractual o casual, mula sa Executive, Legislative, Judiciary, Constitutional Commissions and other constitutional offices, State Universities and Colleges, Government-owned and Controlled Corporations, ay maaring makatanggap ng Year End Bonus. Pati mga military personnel ay makakatanggap din nito.
Ang Year End Bonus ay ibinibigay “not earlier than November 15” sa kasalukuyang taon. Ito ay maaring matanggap ng buo o net of tax. Ngunit may mga kondisyon na dapat sundin upang matanggap ito, katulad ng mga sumusunod:
- Ang empleyado ay mayroong at least four (4) months of government service mula January 1 to October 31 ng kasalukuyang taon; at
- Ang empleyado ay nasa serbisyo pa as of October 31 ng kasalukuyang taon.
Meron kaming mas detalyadong post ukol dito na mababasa sa link na nasa ibaba.
2 of 4: Cash Gift (CG)
Kasabay ng Year End Bonus, ang Cash Gift ay ibinibigay din sa mga kawani ng gobyerno not earlier than November 15. Ito ay nagkakahalaga ng P5,000.00 bawat isang empleyado. Ito ay hindi taxable sapagkat ito ay kabilang sa mga De Minimis Benefits ng mga kawani ng gobyerno.
Ang mga kondisyon sa Year End Bonus ay kaparehas din sa Cash Gift maliban sa four (4) months service requirements. Kung nasa serbisyo na ang empleyado ng four (4) months o higit pa, maaari itong makatanggap ng buong P5,000.00 na Cash Gift.
Samantala, kung kulang sa apat na buwan ang serbisyo, ang kawani ng gobyerno ay maaari pa din makatanggap ng Cash Gift kahit less than four (4) months ang kanyang government service mula January 1 to October 31 ng kasalukuyang taon.
Nasa ibaba ang batayan o katumbas na Cash Gift kapag less than four (4) months ang government service ng empleyado:
- P500.00 – less than one month of service
- P1,000.00 – 1 month but less than 2 months of service
- P1,500.00 – 2 months but less than 3 months of service
- P2,000.00 – 3 months but less than 4 months of service
Ang Year End Bonus at Cash Gift, hindi tulad ng dalawa pang bonuses na maaring matanggap ng empleyado bago matapos ang taon, ay may nakalaan na pondo ang bawat ahensya para dito bawat taon.
Samantala, ang dalawa pang bonuses na sasabihin namin ay nakadepende sa certain conditions na kung hindi matupad ng mga ahensya o walang kaukulang authorization para dito ay maaaring hindi ito matanggap ng mga empleyado.
3 of 4: Collective Negotiation Agreement (CNA) Incentive
Ang Collective Negotiation Agreement (CNA) Incentive ang pangatlo sa apat pang bonuses na maaaring matanggap ng bawat kawani ng gobyerno bago matapos ang taon. Ito ay nagkakahalaga ng P30,000.00 bawat isang empleyado. Ito ay maaring matanggap ng buo, depende sa available na pondo, at tax rate ng isang empleyado.
Kapag kulang ang pondo, maari pa rin itong matanggap pero sa mas mababa at uniform (pare-parehas) na rate bawat empeyado. Ito ay maaring ibigay not earlier than December 15 but not later than December 31.
May mga certain conditions na dapat matupad ang ahensya bago ito maaaring makapagbigay ng CNA incentives sa kanyang mga empleyado. Kabilang sa mga kondisyon na ito ang mga sumusunod:
- Dapat mayroong Collective Negotiation Agreement (CNA)
- Dapat nakalagay sa CNA ang pagbibigay ng CNA incentives
- Dapat ang ahensya ay nagawa o naabot ang mga targets na nakalagay sa guidelines para sa CNA incentives
- Ang ahensya ay dapat magsumite ng mga reports na nakalagay sa guidelines para sa CNA incentives
- Ang CNA Incentive ay one-time benefit at maari lang itong bayaran sa petsa na itinakda sa guidelines
- Dapat ang pagbibigay ng CNA Incentive ay aprubado ng Head of Agency
- Ang pondo para sa CNA incentives ay dapat magmula lamang sa allowable sources na itinakda sa guidelines
Para sa mas detalyadong discussion sa mga conditions na nasa itaas, basahing ang post namin na nasa link sa ibaba.
4 of 4: Service Recognition Incentive (SRI)
Ang pang-apat at huling bonus na maaring matanggap ng bawat kawani ng gobyerno bago matapos ang taon ay ang Service Recognition Incentive o SRI na nagkakahalaga ng P20,000.00 bawat isang empleyado.
Gayunpaman, ang pagbibigay ng SRI ay nakadepende sa authorization o order na lalagdaan ng Pangulo ng Pilipinas. Kaya naman ang order na ito mula sa Pangulo ay lubhang inaabangan taon-taon sapagkat maaari itong hindi ibigay.
Ang SRI ay maaring matanggap ng buo depende sa available na pondo at sa tax rate ng empleyado. Kung kulang ang pondo, maari pa rin itong matanggap sa mas mababa ngunit pare-parehas na halaga bawat empleyado.
Ang SRI ay madalas ibinibigay sa buwan ng Disyembre, depende sa petsa na nakalagay sa Order ng Pangulo o sa guidelines na ilalabas ng Department of Budget and Management.
Summary
Bago matapos ang taon, mayroon pang apat na natitirang bonuses na maaring matanggap ng bawat kawani ng gobyerno; ito ay ang Year End Bonus na katumbas ng isang buwang sahod, Cash Gift na P5,000.00, CNA Incentives na P30,000.00 at SRI na P20,000.00.
Ang mga bonuses na ito ay hindi awtomatikong matatanggap ng empleyado sapagkat mga mga kondisyon na dapat sundin bago ito ibigay sa empleyado.
But wait, there’s more…
Mayroon pang isang bonus na maaring matanggap ng bawat isang kawani ng gobyerno bago matapos ang taon. Ito ang Productivity Enhancement Incentive (PEI) na nagkakahalaga ng P5,000.00 bawat isang empleyado. Ito ay maaring subject to tax kaya maari itong matanggap na net of tax.
Ang PEI ibinibigay sa empleyado not earlier than December 15 ng kasalukuyang taon. Pumunta sa post namin na nasa link sa ibaba para sa mas kumprehensibong discussion tungkol sa PEI.
Question
Kung may tanong kayo ukol sa mga benepisyong ito ng kawani ng gobyerno, magiwan kayo ng mensahe sa amin sa comments section. Sasagutin namin ito sa abot ng aming makakaya.
what if like me na nakapag start of work August 1, 2025 until now How much do I received sa Year End and Cash Gift?
You will not be able to comply the required four (4) months service requirements to be eligible to the Year End Bonus; hence, you may only be granted a prorated amount of the Cash Gift.
Makakatanggap po ba ng 2023 pbb ngayong taon ang mga taga DOF -Bureau of Internal Revenue?
Kindly check this post for the List of Agencies Eligible to the FY 2023 PBB and have received cash allocation from DBM to pay the same:
https://gabotaf.com/list-of-government-agencies-eligible-to-the-fy-2023-performance-based-bonus-pbb-with-cash-funding-from-dbm/