Government Employees na Entitled sa Collective Negotiation Agreement (CNA) Incentive
Ano ang CNA Incentive?
Ang CNA Incentive ay isa sa mga benepisyo na maaaring matanggap ng isang kawani ng gobyerno. Ito ay ibinibigay isang beses sa isang taon tuwing Disyembre sa mga ahensya at empleyado na eligible dito.
Magkaano ang CNA Incentive ng Government Employees?
Ang CNA Incentive ng eligible government employees ay nagkakahalaga ng P30,000.00 simula ng taong 2023. Ito ay pwedeng matanggap ng buo or net of tax. Sa mga nakaraang taon, ang CNA Incentive ay ibinibigay not earlier than December 15 but not later than December 31.
Sinong mga Government Employee ang maaring makatanggap ng CNA Incentive?
Ang CNA Incentive ay hindi awtomatikong ibinibigay sa bawat empleyado ng gobyerno. May mga kondisyon at tuntunin na kailangan sundin bago ito pwedeng ibigay sa mga empleyado ng gobyerno. Ang mga kondisyon na ito ay nakalagay sa guidelines na ini-issue ng Department of Budget and Management.
As of this writing, wala pang guidelines na inilalabas ang DBM para sa CNA incentives para sa taong ito.
Ngunit kapag nasunod ang mga kondisyon sa guidelines ng DBM, ang mga empleyado sa mga ahensyang nakalista sa ibaba ay maaaring makatanggap ng CNA incentive.
Mga Ahensya na maaring magbigay ng CNA Incentives
Ang mga ahensyang nasa ibaba (whether or not covered by Republic Act No. 6758 – An Act Prescribing a Revised Compensation and Position Classification in the Government and for Other Purposes) ay maaring magbigay ng CNA incentives sa kanilang mga empleyado:
- National Government Agencies (NGAs)
- Constitutional Offices enjoying Fiscal Autonomy
- State Universities and Colleges (SUCs)
- Government-owned and Controlled Corporations (GOCCs)
- Local Water Districts (LWDs)
- Local Government Units
Mga Government Employee na maaring makatanggap ng CNA Incentives
Ang mga empleyadong nasa ibaba (civilian personnel, whether on full-time or part-time) ay maaaring makatanggap ng P30,000.00 na CNA incentive:
- Regular Employee
- Contractual Employee
- Casual Employee
Kung ang mga empleyadong nasa itaas ay kabilang sa mga kategoryang nasa ibaba, sila ay maaaring makatanggap ng CNA incentive:
- Rank-and-file employees who are members of an employees’ organization accredited by the Civil Service Commission (CSC) as the sole and exclusive negotiating agent (hereinafter referred to as
“negotiating agent”) in accordance with the rules and regulations issued by the Public Sector Labor Management Council (PSLMC); - Rank-and-file employees who are non-members of the negotiating agent who wish to enjoy or accept benefits under the CNA, subject to payment of agency fee to the negotiating agent in accordance with PSLMC Resolution No. 1, s. 1993; and
- Those who perform managerial functions.
Summary
Ang CNA Incentive ay isa sa mga inaabangan na bonus ng mga kawani gobyerno taon-taon.
Ito ay nagkakahalaga ng P30,000.00 simula taon 2023 at maaari itong lumaki pa sa mga susunod na taon.
Ang CNA Incentive ay maaring matanggap sa Disyembre ngayong taon subject sa mga conditions na nakalagay sa guidelines na ilalabas ng DBM.
Question
Kung meron kayong tanong ukol są benepisyong ito, magiwan kayo ng comment sa ibaba.
