Authorized Registration or Participation Fee of Government Employees in Conventions, Seminars, Conferences, Symposia, etc. — ₱2,800.00/day
Ang bawat kawani ng gobyerno ay maaaring ipadala ng kanilang ahensya sa conventions, seminars, conferences, symposia at mga katulad nito bilang parte ng kanilang human resource development program.
Ang mga halimbawa nito ay ang mga conventions, conferences, at seminars na isinasagawa ng non-government organization (NGO) or private institutions tulad ng PAGBA, GACPA, PICPA, AGIA, PHILBO, atbp.
Bawat taon, naglalaan ang gobyerno ng budget para dito sang-ayon sa rate na itinakda ng Department of Budget and Management (DBM).
Authorized Registration Fee or Participation Fee of Government Officials and Employees
Ang DBM ay nagtakda ng standard na rate para sa registration fee or participation fee ng bawat kawani ng gobyerno sa tuwing sila ay mag-attend ng conventions, seminar, conferences at mga katulad nito.
Simula 2025, ang authorized registration fee o participation fee ng government officials and employees ay ₱2,800.00/day per participant. Sa mga nakaraang taon, ito ay ₱2,000.00/day per partcipant.
Paano ito binabayaran?
Ang registration fee or participation fee ay maaring bayaran ng derecho ng ahensya sa NGO or private institution concerned (i.e., event organizer or sponsor) o di kaya naman babayaran ito ng empleyado thru cash advance or on reimbursement basis.
Dapat lamang tandaan na hindi dapat lalampas sa ₱2,800.00/day per participant ang babayaran ng gobyerno. Anumang sobra sa dapat bayaran ay sasagutin ito ng empleyado.
Questions?
Kung meron kayong katanungan ukol sa government employee benefit na ito ay mag-iwan kayo ng mensahe sa amin sa comments section.
Reference
Para sa karagdagang kaalaman ukol sa benepisyo na ito, i-download ang National Budget Circular No. 596 dated January 20, 2025 sa website ng DBM.
National Budget Circular No. 596
